Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 09, 2009

Expensive sandals gift ni Sharon kay Ai Ai

ILANG tulog na lang at ipapalabas na ang BFF o Best Friends Forever na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Sharon Cuneta.

Dumalaw kami sa ta-ping ng Ruffa and Ai, at in fairness, bongga ang show na ito, at may appeal sa masa.

Siyempre, nagkaroon ng tanungan portion tungkol sa napapabalitang bagong manliligaw ni Ai Ai, isang Venezuelan hunk daw kasi ito at talagang nasa bansa nga-yon para dalawin siya.

Ito ay kinupirma ni Ai Ai. Aniya: “Julio ang pa-ngalan niya. Nagkaki-lala kami, kasi ang mana-ger niya, eh, kaibigan ni Bong Quintana. May mga kasamahan din si-yang models na naririto sa bansa.”

Aminado rin ang co-medy concert queen na lumabas na raw sila ni Ju-lio with some friends sa Greenbelt, Makati. Nang tanungin kung ano naman ang nagustuhan ni-ya sa Venezuelan hunk na ito, sabi niya: “Ano kasi, grabe siyang ma-katingin! Parang nakakatunaw.” With mat-ching demo pa ni Ai Ai kung paano tumingin si Julio sa kanya.

Hindi naman daw magtatagal dito sa bansa si Julio, pati ang mga modelong kasamahan nito. Umiikot daw ito sa ilang bansa, tulad ng Hong Kong, Thailand at Singapore para mag-tour.

Wika pa ni Ai Ai, hanggang sa mga ganitong ins-pirasyon lang muna daw siya ngayon. Ilan din kasi ang nakapansin na blooming ngayon ang komedyana. Epekto raw ito marahil ng pagiging celibate niya. Mas gusto raw niyang ce-libate siya. Feeling daw kasi ni Ai Ai, konti lang ang kasalanan niya.

Ipinagmalaki ni Ai Ai sa amin ang suot niyang Louis Vuitton white- strapped sandals. Ito ay ibinigay pala ng Mega-star sa kanya bilang gift noong huling araw ng shooting nila. Halatang bonded na talaga sina Ai Ai at Sharon. Alam na rin nila ang mga hilig ng bawat isa.

Super-touched naman daw si Ai Ai sa gesture na ipinakita ni Mega. Hindi raw niya akalain na ang dati niyang pinapanood lang sa sine at TV ay magiging BFF niya.

Anyway, may premiere night ang BFF sa Martes (May 12 sa SM Megamall). Dadaluhan ito ng mga sikat na pana-uhin na pinangunguna-han nina KC Concepcion, Piolo Pascual, Ruffa Gutierrez at marami pang iba. Excited na rin daw si Sen. Kiko Pangilinan na mapanood ang eksena ni Mega sa bus.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES