Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 09, 2009

Gabby Concepcion -- debut movie sa Star Cinema, sinimulan na

PASOK na si Kim Chiu sa first movie ni Gabby Concepcion sa Star Cinema na may working title na Broken Hearts with Angelica Panganiban and Derek Ramsay mula sa direksyon ni Laurice Guillen at kasalukuyan nang sinu-shoot.

Gagampanan ni Kim ang papel na anak ni Gabby at may kaunting love triangle na mangyayari sa kanilang tatlo nina Angelica at Derek.

’Yun nga lang, baka magkaroon na naman ng violent reaction mula sa Kimerald dahil hindi kasama ang ka-loveteam ni Kim na si Gerald Anderson.

Matatandaang nag-react din negatively ang Kim-Gerald fans nang mapabalitang itatambal si Sarah Geronimo kay Gerald.

Pero say ng Star Cinema people, siguro naman ay maiintindihan ng fans kung pansamantala munang maghihiwalay ang dalawa dahil para rin ito sa advancement ng kani-kanilang career.

Ang naturang pelikula ay paghahanda na rin daw kay Kim para sa mature roles dahil hindi naman puwedeng forever ay pa-cute ang kanyang mga papel na ginagampanan.

Speaking of Gabby, sinimulan na rin pala nito ang second teleserye niya sa ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw kasama si Lorna Tolentino.

Ang ganda ng casting dahil bukod kina Gabby at Lorna, kasama rin dito sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, gayundin si John Estrada.

Nagsimula na raw mag-workshop ang buong cast, pero hindi pa sure ang date of airing at mauuna munang i-ere ang Lovers in Paris nina KC Concepcion at Piolo Pascual bandang June.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES