Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 28, 2009

John Lloyd Cruz intimidated by Governor Vilma Santos?

John Lloyd Cruz just got back from his recent trip to New York where he and the rest of the cast of Star Cinema’s In My Life (A Mother’s Story) shot most of the crucial scenes for this movie. Ito rin ang sinasabing anibersaryong handog ng Star Cinema kung kaya’t, malaking paghahanda ang ginagawa nila para sa pelikulang ito. Kasama sa pelikulang ito si Luis Manzano at siyempre si Governor Vilma Santos, it’s her comeback vehicle after five years of not making movies.

Dinalaw ng ABS-CBN.Com si Lloydie sa ASAP ’09 at kinamusta agad namin sa aktor ang tungkol sa shooting ng pelikula nila? “Ahhm, maganda ‘yung naging take-off namin sa New York, kasi, doon naman talaga nag-shoot ng karamihan ng eksena namin ni Luis, eh. Si Ate Vi, ewan ko kung alam niyo na, nakapag-shoot na rin siya rito, sa Batangas ba? Basta, sa isang probinsiya ‘yung setting. ‘Yung first half nu’ng film, mangyayari rito sa Pilipinas, Kami ni Luis, talagang sa Amerika kami kinunan.”

We also asked John Lloyd, who is also known as one of the country’s sensitive actors of, how is it to work first time with Vilma Santos, the legendary actress? Aminado si Lloydie, naroon ang hiya, ang ilang pero he has to get over it daw agad. “Gaya na lang din nu’ng first time kong maka-trabaho sina Sir Boyet (Boyet de Leon) at Aga Muhlach, ewan ko, pero ang surreal ng moment. Alam mo ‘yun, ‘pag ka-eksena mo sila. Eh, si Ate Vi, ang lakas ng screen presence.” Despite that unbelievable moment for John Lloyd to have finally worked with Ate Vi, the actor told ABS-CBN.com, he has to get over that feeling of being ilang and just get back to reality. He has to face the fact that he is now working with the one of the country’s most respected actresses. “Kailangan kong lagpasan ang pakiramdam na ‘yun dahil kung hindi, eh, hindi ko magagawa ng matino o maayos ang trabaho ko.”

Dahil kadarating pa lang ng buong cast at crew, eh, next week na raw uli sila magre-resume ng kanilang shooting for this movie. Hindi pa man ipinapalabas ang pelikulang ito, people seem to make a big fuss out of the kissing scene that Luis and John Lloyd shot in New York for this film. Unlike others who want to publicize such scenes, iniiiwasan naman ni John Lloyd na huwag munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. “Hindi naman sa naiirita o iniiwasan ko dahil hindi talaga natin maiiwasan din (na pag-usapan) ang tungkol dito. Kaya lang, nagkakaroon ng maling inclination ang mga tao tungkol sa eksenang ‘yun namin ni Luis. It was a very tender moment of me and Luis.”

Naikuwento rin ng aktor sa ABS-CBN.Com ang tungkol sa ilang preparations na kinailangan iyang gawin for his character. First time na gumanap na gay si Lloydie sa isang film pero buo ang tiwala niya sa kanyang direktor na si Olive Lamasan and he underwent a two-day work shop training under the supervision of Direk Laurice Guillen and Direk Olive na rin. Dagdag pa ni John Lloyd, they also did immersions in New York and basically characterization ang nangayari. Kailangan umano niyang makabuo ng isang character sa pagkatao ni Noel (his role in the movie).
“Basta, maganda ang naging take -off namin sa New York at talagang ‘yung sa amin kasi ni Luis, medyo mahirap ‘yun, eh. Ang daming mga nuances na kailangan i-establish. Hindi lang ‘yung kailangan i-establish, kailangan ‘yung from within talaga.”

Sa kanyang pagbabalik mula sa New York, nananatiling tahimik pa rin si Lloydie tungkol sa usapin sa pagitan nila ni Liz Uy. Hindi pa rin kinukumpirma ng aktor ang tungkol sa estado ng relasyon nila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES