Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 10, 2009

Judy Ann Santos movie festival

Panahon na para mag-feature ang Cinema One ang bagong kasal na si Judy Ann Santos para sa buwan ng Mayo.

Sino mang mahilig sa mga pelikula ay mabibighani kung paano nagbago ang career ni Judy Ann. Sa edad na 10 ay nakasama na siya sa TV version ng Kaming Mga Ulila ng Regal Films na sinundan naman ng kanyang di malilimutang childstar role sa Ula, Ang Batang Gubat, upang maging isa sa pinaka-in demand na mga artista ng kanyang henerasyon sa gabay at pangangalaga ng ABS-CBN. Napanood sa youth-oriented Gimik, na sinundan naman ng dalawang anthologies Star Drama Theatre Presents at ang Judy Ann Drama Special, dagdag pa rito ang tatlong television specials na 24th Birthday Bash, 30th Birthday plus 20th Anniversary at Ploning na naglagay kay Juday sa mapa ng local entertainment.

Tulad ng iba pang mga teenager tulad niya na kailangan ng love team upang maging ganap na star, nagkaroon ng love team si Juday. Sa kabila ng kanyang mga teeny bopper roles, litaw pa rin ang pagiging seryoso ni Judy Ann pagdating sa pag-arte. Parehong soap opera na Mara Clara (1996) at Esperanza (1999) ang naging pelikula kaya naman nagbunga ito ng sariling pelikula kasama ang kanyang leading men na sina Rico Yan at Wowie de Guzman sa I’m Sorry My Love at Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-Ibig.

Nag-prodyus at umarte sa dramang Ploning ng Panoramanila Productions, isa ito sa pinagpiliang independent films para sa 2009 Oscar Awards na nagkaroon din ng exclusive television premiere.

Magsisimula ang Wednesday Winners tuwing 9:00 pm sa pagpapalabas ng Sabel sa May 6 kasama sina Wendell Ramos, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Ang Mano Po II M Home sa May 13, kasama sina Susan Roces, ZsaZsa Padilla, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, ay umiikot kay Antonio Chan (de Leon) na uuwi na walang pera mula sa China at matagumpay na yayaman.

Tatlong babae ang iikot sa kanyang mundo at buhay. Ang Kasal Kasali Kasalo sa May 20 kasama si Ryan Agoncillo ang nagpapakita ng buhay mag-asawa at kung paano nakaka-survive dito sa gitna ng kaguluhan.

Ang sumunod na pelikula Sakal Sakali Saklolo sa May 27 ang nagpapakita ng kanilang buhay kasama na ang anak at ang kanilang di magkasundong mga magulang. Uumpisahan ang Drama Studio tuwing 5:00 p.m sa pagpapalabas ng Kahit Isang Saglit sa May 25. Ang Esperanza the Movie ay mapapanood sa May 26.

Ang Sana Naman sa May 27.

Ang Kulayan Natin ang Bukas sa May 28. Bakit Di Totohanin sa May 28 ay ang 2001 blockbuster ni Juday bilang isang boksingero kasama si Piolo Pascual.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES