Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 31, 2009

Kim Chiu natatakot mapunta si Gerald kay Sarah

Aminado si Kim Chiu na kabado siya oras na matuloy ang tambalan nila Gerald Anderson at Sarah Geronimo. “Pero ganun talaga sa showbiz. Kailangan din naming maghiwalay,” sabi ni Kim sa presscon cum victory party ng Tayong Dalawa na consistent top rater ng ABS-CBN.

May pina-planong pelikula for Sarah and Gerald pero wala pang definite kung kelan. Pero nag-react agad ang die hard fans ng magka-loveteam.

Hanggang ngayong special friends pa rin sila ni Gerald. “Super special friends pa rin,” sabi ng young actress. Masaya na kami sa ganito. Pero kung makakapaghintay siya,” sabi ni Kim na hindi pa rin masyadong nadadagdagan ang timbang.

Lately raw ay bihira silang mag-usap ni Gerald dahil magka-iba ang unit ng shooting nila dahil nga kinasal na sila ni Jake (Cuenca) sa TD.

Eh kung si Jake na lang kaya? Tutal naman ay mag-asawa na sila sa TD? “Hindi naman niya ako gusto. May ibang gusto si Jake,” pambubuking nito.

Saka lagi raw siyang inaasar ng Jake sa taping. Minsan, tatabihan niya ako sa upuan tapos sisiksikin niya ako. Sasabihin niya sa akin, ay may nakaupo pala. Payatot daw ako,” pagkukuwento ni Kim.

Anyway, sa binago ng Tayong Dalawa ang primetime programming ng ABS-CBN. Exciting kasi ang kuwento. Maraming naaaliw sa iba-ibang twist.

Sa nationwide, hataw ang rating ng programa, in fairness.

Ang Tayong Dalawa ay tungkol sa dalawang taong (Gerald Anderson and Jake Cuenca) may iisang pangalan, iisang pangarap at iisang minamahal (Kim Chiu). Sa pagtahak ng kani-kanilang mga landas ay makakaharap nila ang magkakasalungat na aspeto ng buhay, pangarap, pera, kalayaan, pamilya, poot, pagpapatawad, mga sikreto, rebelasyon at pag-ibig.

Sa direksyon nina Ruel Bayani at Trina Dayrit, bahagi rin sa matagumpay na teleserye ang mga di-kalibreng artista – ang three-time Best Actress awardee Cherry Pie Picache (Marlene); 2001’s Famas Best Supporting Actress Alessandra de Rossi (Greta); 13th Pusan International Film Festival Best Actress and the Best Actress Awardee para sa 6th Golden Screen Awards, Mylene Dizon (Loreta); Two-time Best Actor, Jiro Manio (Stan); Best Performance by Male actor (Young Critics Circle 2006) at ang international awardee plus ang Best Supporting Actor ng 6th Golden Screen Awards, Coco Martin (Ramon); 1996 Gawad Urian Best Actress, Helen Gamboa (Elizabeth); Cinemalaya 2008 Best Actor at ang Best Actor din para sa 6th Golden Screen Awards, Baron Geisler (Leo); four-time Best Actress at Asia’s Best Supporting Actress para sa pelikulang Serbis, Gina Pareño (Lola Gets); Southeast Asian 10th Cinemanila International Film Festival Best Actress Anita Linda (Lola Lily); 17th Aliw Awards nominee, Best Stage Actor, Miguel Faustman (David Garcia Sr.); 2006 Gawad Urian nominee for Best Supporting Actress Agot Isidro (Ingrid); Best Actress award – 10th Cinemanila International Film Festival para sa kategoryang Digital Lokal, Jodi Sta. Maria (Angela) at two-time Best Supporting Actor, Spanky Manika (Stanley).

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES