Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 08, 2009

Korina Sanchez dedma sa tampo ni Kris

HINDI na raw sasagot pa si Korina Sanchez hinggil sa pagtatampo ni Kris Aquino sa kanila ni Sen. Mar Roxas para hindi na humaba pa ang issue.

Matatandaang sumama ang loob ni Kris kina Korina at Mar dahil sa hindi pagtupad ng dalawa sa pangakong exclusive interview sa The Buzz at SNN: Showbiz News Ngayon.

Ayon kay Koring, sila na lang dalawa ni Tetay ang mag-uusap at kilala naman daw niya itong maunawain at marunong magbalanse ng mga usapin.

Mas abala yata si Korina ngayon sa paghahanda sa nalalapit na kasal nila ng senador, na ayon sa balita, kung hindi end of this year ay early next year magaganap.

Nang magpunta sila kamakailan ni Mar sa Davao, habang seryosong nakikipag-usap ang pulitiko kay Davao City Mayor Duterte, bigla na lang daw nawala si Koring.

’Yun pala, pumuslit ang batikang broadcaster para pumunta sa mga flower farm sa Davao upang personal na mamili ng mga bulaklak na gagamitin para sa kanilang kasal.

Kilala ang Davao sa pagkakaroon ng ilan sa pinakamagagandang orchid at bulaklak sa buong mundo at ayon kay Korina, hindi na niya kailangan pa ng imported flowers para sa kanyang kasal.

Magli-leave na rin si Korina soon bilang anchor-commentator sa ABS-CBN/DZMM hindi lang dahil sa pagsunod sa reglamento ng network na nagbabawal ma-involve ang kanilang talents sa pulitika, kundi para na rin paghandaan ang kasal.

As we all know, halos kumpirmado nang tatakbo si Sen. Mar sa presidential race sa 2010 at natural na suportado ito ni Korina.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES