Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 07, 2009

Lino Cayetano replaces KC with Fil-Australian model

Sa presscon ng Your Song Presents Boystown last Tuesday, mas inuna naming interbyuhin ang direktor nitong si Lino Cayetano dahil mas marami siyang issues na dapat sagutin. Matagal kasi siyang nawala’t kababalik lang niya sa bansa.

Ayon kay Direk, nagpunta siya sa U.S. para mag-aral at hindi dahil sa ex-girlfriend na si KC Concepcion.

“I left really to study. Ngayon, I’m happy kasi I just got back, siguro hindi tumagal ng two weeks nang dumating ako when I was given the chance to do Boystown,” say niya.

Ayon pa sa direktor, nakatutulong sa kanyang trabaho bilang direktor ang pag-alis-alis.

“Tinatanong nga sa akin kung bakit nawawala-wala ako. Kasi ako, umaalis talaga ako because I think, it helps me in my work. It inspires me.

“Kapag nagbi-break ako, kunwari minsan, election, mawawala ako, I think it helps me understand people, natutulungan ako. Ayaw ko rin na tuluy-tuloy minsan, six months or one year, naka-immerse lang ako sa industriya, kasi wala akong nakikita sa totoong buhay. Masarap ’yung may experience ka sa labas ng TV, sa labas ng pelikula, kasi it helps you become a better director.”

Maraming tanong kay Lino tungkol kay KC, pero hirap na hirap itong sagutin ng direktor.

“Wala bang next question?” aniya nang tanungin kung nakapag-move-on na siya talaga sa breakup nila ni KC.

Pero inamin naman niyang may bago na siyang girlfriend, si Jennifer Rockett, isang Fil-Australian, 24 years old, na naka-appear na raw sa ilang commercials dito pero at the same time, nagmu-model din sa New York at China.

Sa tanong kung ano ang masasabi niya kay KC aniya, “I’m happy for her.”

Inamin din naman niyang talagang uncomfortable siya na pag-usapan ang kanyang lovelife.

“I’d rather talk about my work kahit na naiinis na kayo sa akin. Sa tingin ko kasi, mas maraming higit na dapat pag-usapan. Lagi akong humihingi ng paumanhin sa press, lagi kong iniiwasan ang tanong, but for me, I usually like talking about my work kasi ang feeling ko, ang dami ko pang kailangang gawin para ’yung atensyon, du’n sa trabaho.”

Sa ngayon daw, hindi muna siya aalis sa bansa for at least three years siguro. Focused daw muna siya ngayon sa Boystown, na pinagbibidahan ng Gigger Boys na sina Enchong Dee, Robi Domingo, Sam Concepcion, AJ Perez, Aaron Villaflor, Dino Imperial at Chris Gutierrez at mapapanood every Sunday starting May 10 right after ASAP ’09.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES