Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 31, 2009

Olyn Membian enjoys her work as a public servant

Matagal tagal na rin ang huling show na nakasama si Olyn Membian at pagkatapos ng break up nila ng Pedro Penduko star na si Matt Evans, tuluyan nang nag-lie low sa showbiz ang dalaga. Sinasabing si Melissa Ricks ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon ng kasintahan ngunit ito'y pinabulaanan ng magkabilang partido. Katunayan, patuloy pa raw ang communications nila hanggang ngayon ng Kambal sa Uma star na si Melissa.

Sa opening ng isang salon sa lugar na kanyang nasasakupan bilang SK Chairman, nakausap ng ABS-CBN.com si Olyn at kitang kita ang ganda ng aura nito at halatang masaya na sa kung ano man ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon. “Puro SK projects ang ginagawa namin ngayong summer, liga para sa mga kabataan tapos may notebook giving kami,” bungad niya sa amin.

Enjoy daw siya ngayon kahit wala siya sa limelight dahil sa serbisyong kanyang pinamamahalaan as SK Chairman sa Barangay Toro, Quezon City. “Oo, yes and siyempre kasi nag-aaral ako so yung Monday to Saturday ko puro aral tapos ang Sunday ko lang ang free time ko.” Patuloy pa niya, “Business Administration ang course ko at sa pauskan 3rd year na ako tapos one year na lang ga-graduate na ako talagang minamadali ko actually nag summer class din ako para mabilis akong maka-graduate.”

Sinasamantala daw muna niya ang pagpupursige sa pag-aaral habang wala pang offer sa kanya sa showbiz dahil nanghinayang daw siya na hindi niya matapos ang course na pangarap niya. “Oo yun talaga, kasi meron time dati na nasa isabela ako, talaga nagkaka-drop drop yung subject ko sabi ko ay di ko talaga kaya eh gusto ko ng grumaduate ng maaga mas mabilis parang kasi nung paglabas ko ng PBB nag-stop ako for one year sabi ko parang nanghihinayang ako dun sa year na di ko pinasukan.”

Sa usaping lovelife, happy and contented na daw si Olyn sa kanyang bagong pag-ibig, isang non-showbiz guy na malapit sa kanyang pamilya. “Family niya, family friend namin. Actually dati niloloko loko pa ng daddy niya yung dad ko o ano balae daw tawag ng daddy niya tapos yun nangyari nga.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES