Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 12, 2009

Ruffa Gutierrez dedma lang sa pagtataray ni Kris

AMINADO si Ruffa Gutierrez na may mga pag-kakataong she feels left out kina Boy Abunda at Kris Aquino sa The Buzz. Kaya si Ai Ai delas Alas na ang kanyang newly-baptized BF (as in best friend).

Ilang linggo na ring pinag-uusapan ang tungkol sa umano’y ginagawang pambabara ni Kris kay Ruffa sa The Buzz.

Apektado na ang mga manonood sa paulit-ulit na pagtataray ni Kris kay Ruffa.

Tulad ng lagi raw tini-tingnan si Ruffa, from head to foot, ni Kris.

At may tono ng pagtataray lagi ang komento ni Kris sa mga sinasabi ni Ruffa as co-host.

Ano naman ang ma-sasabi ng TV host/ beauty queen dito?

“Well, kung meron namang ibang nakakapansin nu’n, siguro iba-iba lang ng interpretation ng mga tao. For me kasi, sanay na ako sa matataray na tao. Ma-taray ang Mommy ko, sina Tita Lolit (Solis), Gretchen (Barretto) na friends ko ay ganu’n din.

“Sa pag-uusap-usap namin, kadalasan ay may tarayan talaga. May asaran at piku-nan. Pero para sa akin, wala ‘yun. And I don’t think naman, Kris intentionally does it,” paliwanag ni Ruffa na idinedepensa pa si Kris.

Hindi rin napi-feel ni Ruffa na naiirita siya o nao-offend ‘pag tinitingnan siya ni Kris mula ulo, hanggang paa.

“Hindi ko rin napapansin,” aniya pa.

Naging aware na lang si Ruffa nang sabihan siyang sa kanyang mga alahas nakatinging ma-buti ni Kristeta ‘pag on cam sila sa The Buzz.

“Alam mo, ever since nine years old pa lang ako, ganyan na talaga si Kris.”

Ang mga ganitong kilos ni Kris ay natural na lang daw kay Ruffa.

Dagdag pa ng beauty queen, kahit ganoon ang interpretation ng iba sa mga kilos ni Kris, lagi naman nitong tini-text si Kris.

At sumasagot naman daw agad si Kris sa mga tawag ni Ruffa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES