Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 30, 2009

Sarah Geronimo dahilan ng pagiging broken-hearted ni John Lloyd Cruz

TAHASANG sinabi ni Sarah Geronimo na wala siyang kinalaman sa napapabalitang hiwalayang John Lloyd Cruz-Liz Uy, na diumano ay naging dahilan ng pagiging broken-hearted ngayon ni Lloydie.

Ang dalawa lang daw ang puwedeng magpaliwanag tungkol dito.

At sakali mang hindi nagsasalita sina Lloydie at Liz tungkol dito ay res-petuhin na lang daw natin ang pananahimik ng mga ito.

Although isang kaibigan ang turing niya kay John Lloyd, wala raw si-yang puwedeng ibigay na advice dito.

Hindi pa raw siya nakakaranas na magkaroon ng relasyon kaya wala siya sa posisyon na magbigay ng payo.

Lately ay nali-link naman sa kanya si Mark Herras.

Kesyo madalas daw silang nagcha-chat online at halata namang may crush sa kanya ang aktor.

“Wala po kaming communication na kahit na ano ni Mark Herras. Hindi ko po siya nakaka-chat kahit kailanman. Ba-ka po si Mark Bautista ang sinasabi nila.

“Hindi naman nanli-ligaw sa akin si Mark Herras. Nakasama ko lang siya sa show namin sa CamSur at nagpapa-salamat ako at naging very successful ang show namin doon,”giit ni Sarah.

Wala pa rin daw deve-lopment sa kanilang da-lawa ni Rayver Cruz dahil nasa getting-to-know each other stage pa rin si-la.

Hindi pa rin naman daw kasi siya papayagang magkaroon ng boyfriend ng parents niya un-til she’s 25 years old.

Twenty-one years old na siya sa July kaya apat na taon pa siyang maghihintay.

Mukhang hindi rin yata tuloy ang pagsasama nila ni Toni Gonzaga sa pelikula kasi wala pa raw sinasabi sa kanila si Vic Del Rosario ng Viva Films tungkol dito.

At saka hindi raw feel ni Sarah ang gumawa ng pelikula sa ngayon dahil magiging busy siya sa Philippine Tour ng The Next One concert niya na magsisimula sa June 12 sa Dela Salle Sentrum, Lipa, Batangas at magtatapos sa Sept. 20 sa Holy Cross Gym, Davao.

Sayang, inaabangan pa naman ng fans ang pagsasama nilang dalawa ni Toni sa movie at sa pagtatambal din nila ni Rayver sa pelikulang ito. Sa pagkakataong ito, mukhang si Sarah ang nagko-call ng shots tung-kol sa project na ito.

After all, siya nga naman ang Box-office Queen ng bansa ngayon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:11 AM, Anonymous Anonymous said...

Kawawang Sarah, mismong personal na buhay, hawak ng magulang nya. Tama, mga apat na taon ka pa bago mag-BF kasi kung ngayon nga naman baka biglang lumamya ang career mo at dedo na syempre ang sustento. Sana isipin man lang nila na tao ka lang at nakakaramdam ka rin, yong iba nga 10 yrs old pa lang may BF na eh dahil nature natin yan eh, to love and be loved, anuvah! Wala na ngang buhay itong si Sarah kakakayod tapos ganon pa. Hala Mommy Divine, pag nagkaboyfriend yan in fours years time kamo? Kan2tan kaagad yan sa tagal ng paghihintay hahahaha!!! Boom, tesbun ang Sarah!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES