Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, May 11, 2009

Sarah Geronimo sobrang na-miss ng fans

Dumating na si Sarah Geronimo last Friday at nakasabay pa niya ang Pambansang Kamao sa kanyang pag-uwi sa ’Pinas. Kahapon ay napanood na ang Pop Princess sa ASAP ’09 at siyempre ay tuwang-tuwa ang kanyang sangkatutak na fans na matagal siyang na-miss.

Sa pag-uwi ni Sarah mula sa kanyang matagumpay na US concert tour, haharapin naman niya ang Philippine tour ng The Next One concert na magsisimula sa June.

Uunahin niya sa De La Salle Sentrum sa Lipa, Batangas, on June 12. June 20 naman sa Bren Z. Guiao Convention Center-San Fernando, Pampanga; June 26 sa CSI Stadia ng Dagupan City; July 3 sa Limketkai Atrium sa Cagayan de Oro; July 17 sa St. La Salle Coliseum sa Bacolod City; July 31 sa Waterfront Hotel sa Cebu City at sa Aug. 21 sa San Agustin Gym sa Iloilo.

Nakatakda ring dumalo si Sarah sa awarding ceremony ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kung saan ay pararangalan siya ng tatlong major awards kabilang na ang Box-Office Queen para sa pelikulang A Very Special Love with John Lloyd Cruz na hinirang namang Box-Office King.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES