Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 29, 2009

Sarah Geronimo suportado si Vicki Belo

Matapos ang matagumpay na The Next One U.S. Concert Tour, humarap si Sarah Geronimo kahapon sa isang press conference para sa local tour na magsisimula sa June 12 at matatapos sa September 20.

Lilibutin ni Sarah ang halos buong Pilipinas, kaya tila malabo talaga niyang maisingit ang paggawa ng pelikula. Naging issue kasi lately na tinanggihan daw nila ang movie sa Star Cinema kung saan ay makakasama ng pop star sina Vhong Navarro, Toni Gonzaga at Rayver Cruz.

Nilinaw namin ito kay Sarah at kinumpirma niyang after You Changed My Life, hesitant siyang gumawa ulit ng pelikula this year.

“Hindi pa ho sigurado, pero as much as possible, ’yun po sana ang hiling ko na sana, huwag na muna. Kasi po, mahirap. Ang ganda po ng response ng tao du’n sa dalawang pelikula (A Very Special Love at You Changed My Life), so, ’pag nasundan ng hindi tayo gaanong sigurado, sayang naman, nandu’n na, eh.

“Siguro kailangan ng enough time, ng ample time para makapaghanap ng magandang materyal, magandang istorya. Hindi ’yung dahil kailangan nang masundan.

“So, ’yun, sinabi ko po kay Boss Vic (del Rosario of Viva Films na siyang tumatayong manager niya) mismo, nag-meeting po kami. Eh, ’yun, pag-iisipan nga raw po,” mahabang paliwanag ni Sarah.

Hindi naman daw sa tinanggihan niya ang Vhong-Toni, Sarah-Rayver movie. Aniya, wala pa namang sigurado at nagdadalawang-isip nga siyang gumawa ng pelikula.

Natanong din sa dalaga kung may kinalaman ba rito ang tungkol sa napapabalitang mababang talent fee at napangiti muna si Sarah bago sumagot.

“Honestly po, ang mommy ko lang at si Boss Vic ang makakasagot diyan. Ako po kasi, hindi po ako nakikialam sa financial matters. Sila lang po talaga ang nakakaalam niyan, hindi po ako. Ako, nagtatrabaho lang.”

Sa tanong kung sa tingin ba niya ay nababayaran siya nang tama, say ni Sarah, “Opo naman.”

Samantala, dahil Belo Medical Group endorser si Sarah, siyempre ay hindi rin nakaiwas ang Box-Office Queen nang tanungin tungkol sa kinasasangkutang sex video scandal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

“Wala naman po sigurong kasalanan si Dra. Vicki riyan. Nagkataon lang na naging partner niya si Dr. Hayden. Makakabangon at makakabangon din po naman siya.

“Definitely, affected po ang ating industriya, pero katulad po ng sabi nila, magiging maayos din ang lahat. Ang mahalaga, we learn from our mistake, lahat naman tayo nagkakamali, pero dapat hindi na uulitin.”

Ipinahayag din niyang bilang Belo endorser, willing pa rin siyang suportahan si Dra. Vicki.

Naitanong din kay Sarah ang tungkol sa sex video ni Katrina at aniya, hindi pa niya napapanood at hindi na raw niya panonoorin bilang respeto na rin sa kasamahan sa industriya.

Pero aminado siyang naku-curious din siya sa nilalaman nito.

Anyway, sa June 12 ay sa De La Salle Sentrum sa Lipa, Batangas mauunang tumungo si Sarah para mag-show. Pagkatapos nito ay sa San Fernando, Pampanga naman on June 20, June 26 sa Dagupan City, July 3 sa Cagayan de Oro, July 17 sa Bacolod City, July 31 sa Cebu City, August 7 sa Tagum City, Aug. 21 sa Iloilo City, Aug. 28 sa Tacloban City, September 11 sa Naga City at sa September 20 sa Davao City.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:10 AM, Anonymous Anonymous said...

naku sarah huwag ka ng mag comment about kat belo sa daming inis sa mag couple na yan baka masali ka pa ....kawawa ka naman!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES