Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 31, 2009

Tayong Dalawa not to end soon

Bagaman at hindi pa agad matatapos ang Tayong Dalawa ng ABS-CBN, sinabi ng isa sa mga bossing ng network na si Deo Endrinal na hindi naman ito aabutin ng lima pang buwan o ng Pasko. Pero dahil sa malaking tagumpay nito, ngayon pa lamang ay ­na ang network sa lahat ng tagasubaybay nito.

Bukod sa isang banal na Misa na ginanap nung Biyernes ng hapon, nagsalo kinagabihan sa isang masaganang hapunan ang napaka-laking cast ng serye, ang mga nagtatrabaho sa produksyon at maging ang press. Present were Mr. Deo Endrinal, ang head ng Corporate Communications na si G. Bong Osorio at ang kanyang staff at ang mga artistang sina Kakai, Anita Linda, Helen Gamboa, Gina Pareño, Agot Isidro, Jake Cuenca, Kim Chiu, Gerald Anderson, Alessandra de Rossi, Coco Martin at ang dalawang direktor ng serye na sina Trina Dayrit at Ruel Bayani.

Festive ang mood, siguro nga dahil sa hindi nawawala sa kanyang napakataas na posisyon sa ratings ang Tayong Dalawa. Obviously, ang limang buwang pagtatrabaho ay naglapit sa mga cast kaya para na silang iisang pamilya kung kumilos.

Jake Cuenca whom I said was the least magaling nung nagsisimula pa lamang ang serye has evolved into a very sensitive actor. Minsan ay nag-breakdown ito matapos gampanan ang isang napaka-hirap na eksena. Si Kim Chiu, puwedeng talunin sa iyakan si Judy Ann Santos bagaman at inamin niyang maraming ulit ding ayaw tumulo ng luha sa kanyang mga mata lalo’t inaabot sila ng umaga sa taping.

Ngayon, sa aking palagay, si Gerald Anderson ang kailangang magsikap para hindi mapag-iwanan ng kanyang dalawang kasamahang bida.

Sumubok lamang si Agot Isidro na maging kontrabida. Ayaw niya nung una dahil hindi pa siya sigurado kung kakayanin niya. Nagbunga ng maganda ang ginawa niyang pagsubok. People took notice of her acting abilities. Pero kung bibigyan siyang muli ng isa pang kontrabida role after Ingrid, tatanggihan niya dahil ayaw niyang maging pare-pareho ang role na gagawin niya.

Si Helen Gamboa din, ayaw ng all out kontrabida role. Hindi bagay sa kanya. Happy na siya na katu-katulong ni Agot sa pagpapahirap sa buhay ng characters nina Cherry Pie Picache, Gina Pareño at Kim Chiu.

May conscious effort kaya sa parte ni Cherry Pie na pagbigyang umangat ang characters na ginampanan sa Iisa Pa Lamang ni Angelica Panganiban at dito sa Tayong Dalawa ni Agot Isidro? Kaya niyang palutangin ang character niyang si Marlyn kung gugustuhin niya pero katulad ni Gina Pareño, kuntento na siya sa mga highlights na ibinigay ng mga director nila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES