Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 14, 2009

Venezuelan suitor ni Ai-Ai, guwapo na, bagets pa

In fairness, guwapo ang Venezuelan model na si Julio Cabrera na nali-link ngayon kay Ai-Ai de las Alas. Kasamang dumating ng Comedy Concert Queen ang naturang hunk sa grand premiere night ng pelikula nila ni Sharon Cuneta na BFf (Best Friends Forever) sa SM Megamall last Tuesday night.

Panalung-panalo si Ai-Ai at ang haba ng hair dahil bukod sa bata (only 25 years old) ang kasama niya, super guwapo pa.

’Yun nga lang, ’pag naging sila talaga, feeling namin ay sasakit lang ang ulo ni Ai-Ai sa lalaking ito sa kaseselos dahil sa rami ng girls na magkakagusto.

Anyway, star-studded ang red carpet premiere night ng BFF dahil sa rami ng artistang dumalo. Heard na pinagkaguluhan at nagnakaw ng atensyon ang pagdating na magkasama nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Namataan din sa preem sina Ruffa Gutierrez at Mark Bautista. Of course, in full force rin na dumating ang buong cast sa pangunguna nina Sharon, Ai-Ai at ang direktor na si Wenn Deramas.

Kahapon, nagsimula nang ipalabas ang BFF sa mga sinehan. As we write, wala pa kaming feedback sa gross nito, pero inaasahang another blockbuster hit na naman ang pelikulang ito ng Star Cinema.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:38 AM, Anonymous Anonymous said...

bayaran cguro ung lalake tlad ni dr. kho ni belo. sobrang laki ng agwat ng mga edad nla na prang mga anak nalang ang tularan.

ano ba yan prang wla nang moral ang mga yan lalu na sa mga kabataan dba.........hehehehehe

butata

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES