Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 26, 2009

Vicki Belo, no comment on sex video scandal

Mas minabuti na lang ni Dra. Vicki Belo ang manahimik at huwag nang magsalita pa ukol sa isyung kinasasangkutan ni Hayden Kho.

Tsika nga ni Dra. Vicki sa matagumpay na launching ng Flawless “Less is More” sa Blue Leaf, na mas magandang less talk na lang siya, dahil baka kapag nagsa-lita pa siya ay mas lalong lumaki ang isyu sa hindi matapus-tapos na sex scandal nina Katrina Halili at Hayden.

Aminado naman si Dra. Vicki na ito na marahil ang painful trial sa kanyang buhay sa dinami-daming kontrobersiyang nadikit sa kanyang pa-ngalan.

Payo na lang nito sa lahat ng babae in general na kapag nalaman nila na may karelasyon na ang isang lalaki ay huwag nang sasama sa bahay nito.

“I`ve got nothing to hide, I`ve done nothing wrong,” ang makahulugang mga katagang binitiwan ni Dra. Vicki.

Mas gusto na lang daw nito pag-usapan ang bonggang-bonggang launching ng Flawless.

Dumating ang ilang endorser ng Flawless na sina Yasmien Kurdi, Butch Francisco, Lorna Tolentino at Alyssa A-lano, samantalang no show naman sina Katrina Halili, Richard Gutierrez, Judy Ann Santos at Mark Herras.

Nagsilbing host naman si Phoemela Barranda.

Dumalo rin at na-kisaya ang Starstruck 4 1st prince na si Prince Stefan, Thess Bomb, IC Mendoza at Dolly Ann Carvajal.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES