Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 14, 2009

Wil Theater Mall: mall ni Willie Revillame

EXCITED kahapon ang Wowowee host na si Willie Revillame sa groundbreaking na ginanap para sa kaniyang building na itatayo, ang Wil Theater Mall na may 12 palapag.

Ang building ay itatayo sa tapat ng audience entrance ng ABS-CBN, Eugenio Lopez Drive, Quezon City.

More or less ay P500 to P600 milyon ang complex kung saan ito ang unang negosyo ni Willie.

“Dream building” kung tawagin ng Wowowee host ang kaniyang gusali na dinisenyo ng isa sa pinakamagagaling na arkitekto sa bansa na si Architect Jonathan Gan, kasama si Mr. Johnny Manahan bilang theater consultant at Jose Aliling bilang engineer ng construction management. Magkakaroon ng multi-purpose studio, mall, theater, ilang office spaces for rent. Hindi magkakaroon ng penthouse ang building dahil ayon kay Wil, gagawin niyang basketball gym, spa at iba pang physical fitness ang rooftop ng Wil Theater Mall.

Nasa groundbreaking ceremony si ABS-CBN president Charo Santos-Concio, Channel 2 head Cory Vidanes, ang manager ni Willie at wife ni Vice President Noli de Castro na si Arlene de Castro, Linggit Tan, head of entertainment production, at iba pang mga executive at staff ng Wowowee.

Ayon kay Willie, ang lahat ng mga ginagawa niya ay para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak at sa mga magiging anak daw ng mga ito.

“Kung anuman ang investment ko ngayon, ’yun ay mga pinaghihirapan ko. Hindi ako naniniwala sa suwerte kundi hardwork ang kailangan. Ang suwerte kasi kung matutulog ka at paggising mo ay may P10 milyon sa tabi mo, ’yun ang luck. Alam naman ng lahat ang pinagdaanan ko sa buhay. Bago ka umangat, dadaan ka muna sa butas ng karayom. Kaya nagpapasalamat ako dahil pinagkatiwala nila sa akin ang Wowowee… ’yan ang blessings ko,” saad ni Willie sa People’s Tonight.

Nang tanungin kung ano ang kanyang susunod na proyekto, mabilis na sinagot ni Wil na umaasa siyang makakagawa ng isang paaralan para sa mga street children na kanyang nakikilala sa kanyang daily noontime show.

Kaya ang mensahe ni Willie -- kung sino daw ang maging presidente sa darating na eleksiyon, sana mabigyan ng tulong ang mga bata na nasa lansangan. ’Yung bigyan sila ng tahanan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 8:47 AM, Anonymous Anonymous said...

bakit ung susunod pang magiging presidente ang dapat makagawa ng pagtulong sa batang lansangan na mabigyan ng sapat na tirahan?

bakit buko ba o obvious na wlang nagawa si madam gloria dahil sa ibang bagay na pinagkaka-abalahan nya.............hehehehehehe

butata.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES