Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 12, 2009

Wowowee Olympics sa Araneta Coliseum

NOONG Sabado, idinaos ang Wowowee Olympics sa Araneta Coliseum sa pangunguna ni Willie Revillame.

Bago pa magsimula ang event na ito ng Wowowee, ipinaliwanag ni Willie na ang okasyon ay para sa buong hosts at staff ng show lang.

Sa kanyang speech, ikinuwento ni Willie na nabuo ang Wowowee Olympics nang minsang magkakasiyahan sila ng buong staff at naisip nilang magkaroon sila ng isang palaro.

Hindi nagdalawang-isip si Willie at ang mga kasamahan niya at agad silang nagpraktis sa mga larong gusto nilang salihan.

Ilang linggo ring nag-ensayo sa Celebrity Sports Plaza ang lahat ng kasali sa laro gaya ng basketball, volleyball, cheering at iba pa.

Hinati ang lahat ng hosts at staff sa apat na teams -- Red, Blue, Yellow at Green -- sa pama-magitan ng bunutan.

Si Willie ay napunta sa Blue Team at naglaro ang TV host ng basketball.

May kani-kanyang muse at gimik din ang bawat team.

Sa Yellow, sina Pooh at Pokwang ang tagadala ng banner.

Si Precious Lara Qui-gaman naman ang muse ng Red Team.

Sa Green team ay si Angelica Panganiban ang tumayong muse.

Pinakakuwela ang Blue Team dahil sina Mahal, Mura at Madam Au-ring ang rumampa kasama si Roxanne Guinoo na muse ng nasabing grupo.

Bongga talaga sina Mahal at Mura, nabuhay ang tandem nila.

In fairness kay Willie, kapansin-pansin na pinahalagahan niya ang mga dating kasamahan sa trabaho kaya may appearing act ang mga ito.

Ibinalita rin ni Willie na humigit-kumulang sa P1.5 milyon ang kabuuan ng premyong matatanggap ng bawat team plus a trip to Hong Kong.

Nagpasalamat din si Willie kay Veanna Fores ng Araneta Coliseum sa libreng facilities para doon idaos ang bonggang Wowowee Olympics.

Maging si Sen. Mar Roxas ay pinasalamatan din ng TV host.

Bukod sa paglalaro, nakatutuwang pagmasdan ang mga staff at co-host ng Wowowee na nagkakaisa para magwagi sa larong kanilang sinalihan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 10:14 AM, Anonymous Pinoy Showbiz News said...

Tapos na po ba ito kasi kagabi nakita ko po ito sa tv.
Thanks po.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES