Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 08, 2009

Zaijian Zaranilla: Santino updates

Aakalain mo na dahil kaibigan siya ni Bro ay maliligtas na si Zaijian Zaranilla o mas kilala sa popular na pangalang Santino sa pagpaparusa ng kanyang ama kapag nagkakasala siya. Hindi po, dahil katulad ng maraming normal na bata, nakakatikim ng palo ng tsinelas sa puwet ang magpi-pitong taong gulang na bata (birthday niya sa August 23) at tinatawag na ‘Miracle Boy’ ng telebisyon.

Isang normal na bata si Santino na malikot kaya minsan ay napapalo ng ama, mahilig maglaro ng PSP at mga computer games, gusto ng Hawaiian pizza at nangangarap magkaroon ng hindi lamang isa kundi maraming kotse, at isang malaking bahay. Ang kaibahan lamang niya sa ibang bata ay isa na siyang sikat na artista sa TV pero, hindi pa niya ito alam.

Dati siyang commercial model ng McDonalds, Lactum at Tide at lumalabas-labas na sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng Goin Bulilit at Tiny Tony nang kunin siya para maging Santino sa May Bukas Pa. Hindi na siya pinapag-audition, kinuha siya dahil sa kanyang mga mata, malalaki ito at punung-puno ng damdamin.

Bentahe rin ni Santino sa maraming bata ang talento niya sa pag-arte. Hindi siya mahirap umiyak, nakikipagsabayan sa mga tulad nina Susan Roces at Lorna Tolentino at mabilis magkabisa ng dialogue. Wala naman siyang masabi kapag tinatanong kung anong bagay ang mabilis magpatulo ng kanyang luha bagaman at iniisip ng marami na may malaking kinalaman dito ang pangyayaring hiwalay ang kanyang mga magulang at nasa kandili siya at ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki ng kanilang ama na hindi na nagtatrabaho ngayon dahil sinasamahan siya sa taping at iba pa niyang mga guestings. Pero kahit hiwalay ang kanyang mga magulang hindi naman niya nami-miss ang kanyang ina dahil kapag Linggo ay sinasamahan siya nito sa taping. ‘Yun nga lamang pag-uwi ng bahay, hindi na ito sumasama sa kanya, katabi niyang natutulog sa kanilang bahay ang kanyang ama at kapatid.

May isa ring lola na kumakandili kay Zaijian, ang ina ng kanyang ama. Kasama nila ito sa bahay. Ito ang nagtatago ng kanyang kinikita. Silang apat at ilan pang kamag-anak ng kanyang ama ang kasama nilang nakatira sa kanilang bahay sa Scout Rallos na dadalawa lamang ang kuwarto kaya ang lola niya ay sa sofa na lamang natutulog dahil ang kabilang kuwarto ay okupado ng kanyang mga pinsan.

Sa isang pubic school sa Roxas District nag-aaral si Zaijian. Grade 2 na siya pagpasok. Sa kabila ng kanyang tatlong beses isang linggo na pagti-taping ng May Bukas Pa ay nasa top 9 siya sa pinaka-magagaling sa klase. Paboritong subject niya ang English.

Isa pang kaibahan ni Zaijian sa ibang mga ka-edad niya ay ang pangyayaring may mga edad na ang mga itinuturing niyang kaibigan na sina Dominic Ochoa, Lito Pimentel at Rayver Cruz, pawang mga kasamahan niya sa May Bukas Pa. Idolo niya si Vhong Navarro at kahit nahihiya, inamin niyang mayroon siyang crush kay Cristine Reyes.

Wala pa ring sariling sasakyan si Zaijian, sinusundo sila ng service ng ABS-CBN para makapunta sa taping. Hindi na rin siya makapaglaro pero minsan, nakakapunta pa siya ng mall. ‘Yun nga lang, hindi siya nagtatagal, agad silang umuuwi dahil dinudumog na siya.

Kahit lasing, nakikilala na siya at may mga lumalapit na rin sa kanya para magpagamot. Minsan may babaeng nag-alok na bibigyan siya ng gusto niya, pagalingin lamang niya ito pero, siyempre hindi niya ito magagawa, sa TV lamang siya puwedeng manggamot. Pero kahit sa tunay na buhay, malapit siya kay Bro. Nagdadasal pa rin siya Dito bago matulog sa gabi.

Hindi namamalayan ni Santino, sikat na siya. Pinaka-sikat ang seryeng nilalabasan niya, pinaka-mataas ang rating sa istasyong kinabibilangan niya. Nung humarap siya sa press ay naka-suit siya, bigay daw sa kanya ng Bench kung saan endorser siya. o biro mo! Saan man siya magpunta, hinahabol siya ng mga tao, madalas kinu­kurot pero, hindi siya umaangal, dahil alam niyang artista siya, pero hindi niya alam kung gaano kasikat.

Sa mga susunod na mga araw, mapapasabak siya ng arte kay Ms. Lorna Tolentino para sa isang Mother’s Day Special. Ito ay habang tumatakbo pa ang episode ni Anne Curtis. Nakapag-taping na rin si KC Concepcion.

Soon, lahat ng sikat sa ABS-CBN ay igi-guest din sa programa niya, lahat sila ay excited na makasama hindi lamang sa isang top rating show, mas excited silang makita ang batang ngayon pa lamang ay alam mo nang magiging malaking child star tulad nina Niño Muhlach noon at ni Aiza Seguerra.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES