Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, June 17, 2009

ABS-CBN may 2 kaso ng AH1N1

Nakumpirma ng ABS-CBN na mayroon na itong dalawang kaso ng A(H1N1) flu. Ligtas at pagaling na ang dalawang empleyado.

Ayon sa statement ng Dos, nakikipagtulungan ang kumpanya sa Department of Health kaugnay ng dalawang kaso at nagsa­gawa na rin ng contact tracing para masuri ang lagay ng mga taong na­ka­sa­la­muha ng dala­wang nag­kasakit.

Kumilos agad ang ABS-CBN para maiwa­san ang pagkalat ng sakit at namamahagi ng ta­mang impormasyon para mapangalagaan ng mga empleyado ang kanilang mga sarili laban sa A(H1N1) ayon pa sa state­ment.

Tuluy-tuloy din ang pa­kikipag-usap ng pamu­nuan ng kumpanya sa mga empleyado at ang pag­pa­palabas ng mga regu­lar na update tungkol sa sakit.

Nilagyan na ng mga hand sanitizers ang iba’t ibang lugar sa broadcast complex. Inaalok din ng kumpanya ng bakuna ang mga empleyado at ka­nilang mga kaanak bilang panlaban sa trang­kaso.

Mino-monitor na rin kung may lagnat ang ba­wat pumapasok na studio audience at mga bisita sa ABS-CBN. At bahagi ng pag-iingat, pina-disinfect na rin ang buong com­pound ng ABS-CBN.

Mananatili ang no­rmal na operasyon ng ABS-CBN habang pa­tuloy ni­tong itutulak ang kam­pan­ya para sa mahigpit na pag­ba­bantay laban sa A(H1N1) virus.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES