Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, June 20, 2009

Dr. Vicki Belo umiwas sa komprontasyon

Upang maiwasan ang komprontasyon sa dating nobyong si Dr. Hayden Kho, nagpahuli si Dr. Vicki Belo sa isinagawang hearing sa Department of Justice kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanila ng aktres na si Katrina Halili.

Kasama ni Belo ang kanyang abogadong si Atty. Adel Tamano at dumiretsong nagtungo sa opisina ni Olongapo City Prosecutor Emelie Fe Delos Santos na siyang head ng panel na humahawak sa reklamo ni Halili na nagsumite na rin ng kanyang counter affidavit .

Isinumite rin ni Belo ang affidavits ng kanyang mga testigo na sina Rolly Canonoy, Erwin Serrano at Jacklyn Theng.

Ayon kay Tamano, pinabubulaanan ng kanyang kliyente na ito ang nag upload sa internet ng sex video nina Kho at Halili.

Isa umano sa testigo ni Belo ang nagsabing ang kaibigan ni Kho na si Eric Johnston Chua ang nag-upload ng sex video.

Dumating si Belo sa DOJ ilang minuto lamang matapos umalis sina Kho at Halili sa kagawaran.

Samantala, hiniling kahapon ng kampo ni Kho sa DOJ na pagbawalan si Halili na magpa-interview sa media kaugnay ng mga kasong isinasampa nito laban sa kanya.

Pero tinanggihan ito ni de los Santos sa katwirang ang panel ay hindi nagpapaapekto sa media.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES