Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, June 05, 2009

Gerald Anderson dinedenay pa rin ni Kim

Hindi masagot ni Kim Chiu ang tanong kung kanino niya gustong mapunta ang karakter niyang si Audrey sa Tayong Dalawa between the two David Garcia Jr. (Gerald Anderson at Jake Cuenca).

“Ang hirap namang sagutin niyan,” say ni Kim. “Parang ang haba naman ng hair ko. Hindi ko alam, eh. Baka magmadre na lang si Audrey,” sabi niya.

Sa kuwento ng Tayong Dalawa, masuwerte talaga si Audrey dahil pareho siyang mahal na mahal nina JR at Dave at ayaw siyang pakawalan.

Kahit sino’ng babae, mahihirapan talagang magdesisyon kung sa totoong buhay ’yon mangyayari.

Kaso, sa kuwento ay nagpakasal na silang dalawa ni Jake kaya itsa-puwera na muna sa love story niya si Gerald.

In real life naman, pagdating sa status ng relasyon nila ni Gerald, hindi talaga mapaamin si Kim kaya hindi mo malaman kung hindi ba niya type ang young actor o talaga lang malihim siya.

Mas vocal pa nga si Gerald sa pagkukuwento ng mga nangyayari sa kanilang dalawa, like he revealed na kahit hindi sila magkaeksena madalas, lagi naman niya itong tinatawagan.

’Yun nga lang, kontra na naman ito sa sinabi ni Kim na bihira na silang magkita ngayon since hindi nga sila madalas magkaeksena.

Anyway, anuman ang relasyon nila ay sila lang talaga ang makasasagot.

Meantime, hayaan na lang natin silang mag-enjoy sa kung anumang meron sila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES