Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, June 01, 2009

Gerald Anderson out sa movie ni Kim Chiu

Kung si Angel Locsin ang Primetime Queen ng ABS-CBN, si Kim Chiu naman ang kanyang prinsesa.

Inanunsyo sa thanksgiving party ng Tayong Dalawa na ang nasabing ka-loveteam ni Gerald Anderson ang bagong Primetime Princess.

Tinanong namin si Kim kung ano ang masasabi niya tungkol dito at say niya, “ano po, masaya, kasi hindi mo ine-expect na aabot sa ganito ‘yung itatawag sa ‘yo and siyempre, nagpapasalamat ako sa Tayong Dalawa dahil sa show na ito, ang dami kong nakuha, ang dami kong naabot. Ang daming endorsement. Siyempre ang dami ko ring natutunan. Lahat. Sobrang memorable itong show na ito para sa akin talaga.”

Pero sa gitna ng tagumpay na ito ni Kim ay nagkakaroon ng pagkabahala among her fans lalo na ang Kimerald dahil sa napapabalitang paghihiwalay nila ni Gerald bilang loveteam.

May ginagawa kasi si Kim na movie sa Star Cinema kung saan ay sina Gabby Concepcion, Angelica Panganiban at Derek Ramsay ang makakasama niya. Wala si Gerald.

Kinumpirma ni Kim na kasama nga siya sa movie pero in-assure niya ang fans na huwag mag-alala.

“Solo nga po ako du’n, ako lang mag-isa, wala si Gerald. Nakakalungkot dahil magkahiwalay kami. First time. Kaya, ayun, nakakapanibago. Pero huwag po silang mag-alala dahil hopefully, after Tayong Dalawa ay may movie kami ni Gerald na gagawin.”

Inamin ni Kim na nang unang sinabi sa kanya na gagawin niya ang movie with Gabby without Gerald, ayaw niya raw sana itong gawin.

“Pero kinausap po ako ng Star Magic and ayun, na-explain naman nila sa akin na ‘huwag kang mag-alala, ganyan-ganyan.’ Bagay daw po kasi sa akin ’yung role kaya tanggapin ko na raw, ganyan-ganyan.”

Nagpaalam naman siya kay Gerald?

“Sinabi ko na agad sa kanya. Sabi ko, ‘uy, magkakahiwalay tayo pero maigsi lang naman ito, eh.’ Nalulungkot din siya.”

Ano naman ang reaksyon niya nang mapabalitang ipa-partner si Gerald kay Sarah Geronimo?

“Nalulungkot din kasi parang mabubuwag na nga ’yung loveteam and nakaka-miss na katrabaho siya, nakakapanibago. At saka hindi ko na alam kung ano na ako kapag wala si Gerald. Kasi di ba, laging Kimerald, Kimerald, ganyan. Eh, paano na ’yung Kimerald fans club, mabubuwag na rin siya, ganyan,” worried na sabi ni Kim.

Well, looks like maging sina Gerald at Kim ay hindi maiwasang mag-alala sa napipintong paghihiwalay nila. Pero para sa kanilang kapanatagan pati na rin ng kanilang mga fans ay ilang beses na rin namang sinabi ng management na hindi porke maghihiwalay sila ng proyekto, ang ibig sabihin nito ay bubuwagin na ang loveteam.

Nasa kainitan pa lang ang Kim-Gerald loveteam at marami pa silang pasasayahing mga fans, marami pa silang puwedeng gawin together at marami pa silang puwedeng ibigay sa kanilang tagahanga. Kaya we don’t think na bubuwagin ito nang ganito kaaga.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES