Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, June 06, 2009

Heart Evangelista, Jericho Rosales ‘nagkabalikan’ na

KAHIT halatang nagbawas ng timbang si Heart Evangelista ay lutang na lutang pa rin ang kanyang kagandahan at pagiging sosyal.

Bumagay tuloy sa kanya ang role na haciendera sa bago niyang sinenobelang Ngayon at Kailanman, remake ng pelikulang pinagtambalan nina Richard Gomez at Sharon Cuneta.

Loveless ngayon si Heart dahil kabi-break lang niya sa non-showbiz boyfriend at ayaw daw muna niyang mag-entertain ng manliligaw.

When asked about his first boyfriend Jericho Rosales, sabi niya, nagkita at nagkausap na raw sila ng aktor.

“Okey na kami ni Je-richo. May komunikas-yon na kami. Binati ko nga siya nang manalo siyang Best Actor sa PMPC Star Award for Movies. I`m so happy for him,” say ni Heart.

Going back sa sinenobela nila ni JC de Vera na Ngayon at Kailanman, malaking pressure daw sa kanya ang role na ginampanan sa movie ni Shawie.

Nangako si Heart na ibibigay niya ang lahat ng makakaya bilang artista para mabigyan ng magandang bihis ang blockbuster movie noon nina Goma at Sharon. Reaction naman niya tungkol sa isyung type siyang kunin para ipareha kay Dingdong Dantes sa Stairway To Heaven.

“Wow,why not? Gusto ko ‘yon,” excited ni-yang wika.

Ang tanong, payagan kaya siya ng manager ni-yang si Annabelle Rama na maging leading lady ni Dingdong?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES