Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 28, 2009

Maricar Reyes, nice feedback sa May Bukas Pa guesting

Maganda ang feedback kay Maricar Reyes sa appearance niya sa May Bukas Pa. Siya ang special guest sa drama show na mapapanood simula bukas ng gabi. Isang taong grasa na nabaliw dahil sa pag-ibig ang role niya. Si Jason Abalos ang gumanap na boyfriend niya.

Sa mga forum at message board sa Internet, inuulan ng mga positive comments ang performance ni Maricar. Mukhang nakatulong ang ginawa niyang pananahimik na lang at huwag nang magsalita about the sex video issue.

Nirespeto ng ABS-CBN ang request ng kampo ni Maricar na huwag muna siyang paharapin sa press. Oo nga naman. Hindi pa siya marahil handa na harapin ang mga tanong ng mga reporters.

After May Bukas Pa, bida si Maricar sa bagong series ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal na mapapanood sa July 5. Kasama niya sina Jodi Sta. Maria at Sid Lucero.

Ito na marahil ang biggest break ni Maricar sa television. Si Erick Salud ang direktor nito.

Si Erick din ang direktor ni Maricar sa una nitong TV exposure, ang I Love Betty La Fea.

Birthday ni Maricar noong June 20. That day ay nag-pictorial ito para sa Your Song. Sinorpresa siya ng cast and staff.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:50 PM, Anonymous Satellite TV for PC said...

Magaling naman talaga si Maricar

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES