Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, June 22, 2009

Piolo Pascual courting KC Concepcion?

After Lobo last year, tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ni Piolo Pascual dahil mapa-panood na nilang muli ang idolo sa telebisyon. Ang aktor ang latest addition sa cast ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja with Kristine Hermosa, Derek Ramsay and John Estrada.

Nagsimula nang ipakita si PJ (tawag kay Piolo) sa nasabing weekly series last Saturday at nang hapon ding iyon ay nagkaroon siya ng solo presscon para rito.

Ayon sa production team ng Nasaan ka Maruja, talaga raw nasa plano na isama si Piolo noon pa man pero kinailangan lang na ilihim nila.

Misteryoso ang karakter ni Piolo sa serye dahil unti-unti siyang lalabas sa flashback at sa panaginip ni Cristy (Kristine). As the show progresses ay palaki nang palaki ang appearance niya at mare-reveal kung ano ang kaugnayan niya sa present time.

Hanggang sa pagtatapos ng serye ay kasama si Piolo at ayon sa aktor, ito ang magsisilbing breaker niya before the airing of Lovers in Paris, ang much-awaited teleserye nila ni KC Concepcion na ipalalabas naman bandang August.

Speaking of KC, siyempre ay natanong din sa aktor kung ano na ba ang status nilang dalawa. At first ay puro “okay kami” ang sagot ni Piolo pero later on, sa kakukulit ng press ay deretsahan na rin niyang inamin na nanliligaw siya ngayon sa dalaga ni Sharon Cuneta.

Kelan pa?

“Matagal na,” matipid niyang sagot.

So,hindi pa siya sinasagot?

“Busy siya, eh,” tila nate-tense niyang say.

Ano ang sabi sa kanya ni KC?

“Wait lang ha, I’ll just text you,” natatawa niyang sagot.

Paano siya manligaw?

“Traditional po ako, eh.”

As in umaakyat siya sa bahay?

“Ginagawa ko rin ‘yun kaya lang wala naman silang stairs,” pagbibiro niya.

Siya ba ’yung tipo na nagpapadala ng flowers and chocolates?

“Puwede. Pero nakakataba ’yung tsokolate, so flowers na lang.”

Marami pang tanong kay Piolo tungkol sa panliligaw niya kay KC pero aniya, hanggang doon na lang daw ang masasabi niya dahil ayaw naman niyang masabing ginagamit niya lang ang issue para sa promo ng Lovers in Paris.

Anyway, Piolo is leaving today (Monday) para sa Star Magic US concert nila at dahil wala pa si KC sa bansa ay hindi na raw niya ito makikita bago siya umalis.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES