Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 28, 2009

Piolo Pascual nag-react sa relasyong John Lloyd-Ruffa

“Basta ba masaya sila,” sagot ni Piolo Pascual nang matanong kung boto ba siya sa relasyong John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

Ang nakakatuwa, dati ring na-link si Piolo kay Ruffa. Nagpahayag kasi dati ang aktor na may crush siya sa aktres/TV host at matagal-tagal din silang tinuksu-tukso ng mga reporter at staff ng ABS-CBN.

“Hindi naman naging kami. Na-link lang po,” paglilinaw agad ni Piolo.

Hindi siya nagseselos?

“Malalaki na sila,” natatawang sagot ng aktor.

Pinag-react din namin si Piolo sa isyung ikakasal na ang na-link din sa kanyang si Rica Peralejo at positibo naman ang sagot ng aktor.

“Happy ako for her. Happy ako for them. I know the guy also. It’s a blessing. I mean, you know, nakakatuwa ‘pag ganu’n sa church nagkakatuluyan and they start a family. So, I only have prayers for them,” say ni Piolo.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa USA ang aktor kasama ang iba pang talents ng Star Magic para sa gaganaping concert pero kahit wala ang aktor ay napapanood pa rin siya sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja every Saturday kung saan ay kapapasok lamang ng kanyang karakter.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES