Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, June 08, 2009

Ruffa Gutierrez, understanding ang gustong regalo

“It’s not true! Bakit ako maglalayas? One year akong nag-stay sa family home namin sa Dasma para makapag-save. But now that I’m turning a year older it’s better to have my own place. I have a condo in Greenhills, pero ‘di ko pa alam kung du’n ako titira. There’s nothing wrong if I have a place of my own. Thankful ako sa parents ko na tinanggap kami sa bahay nila, but it’s high time to have my own place. We’ll still visit them, we can have dinner.”

Sabi ni Ruffa Gutierrez sa launching ng Speak Out Against Domestic Violence dahil siya ang kinuhang spokesperson ng Avon Philippines, nang mabalitaang ini-report sa Startalk na naglayas siya sa bahay nila sa Dasmariñas Village.

Teary-eyed ito nang sama-sama ang mga taga-Avon, survivors domestic violence at mga nasa likod ng Women’s and Children’s Crisis Care and Protection na ibalabal sa kanya ang birthday gift nilang purple shawl at sinundan ng cake with purple décor at kinantahan ng birthday song.

Hindi material things ang gustong birthday gifts ni Ruffa from her loved ones, from her mom, understanding na, from her Yilmaz Bektas, ang pagpirma nito sa papers para ma-renew ang passport ng mga anak nilang sina Lorin at Venice.

Hindi nito sinagot kung anong gustong regalo mula kay John Lloyd Cruz at nakiusap pa ngang tigilan na ang isyu sa kanila. Tapos na raw sana ang isyu, kaso biglang binuhay ni Kris Aquino, kaya pinakiusapan na niya si Kris na tigilan na ang panunukso.

Friend sina Ruffa at ex ni John Lloyd na si Liz Uy, nag-usap na sila tungkol sa isyu at ayaw na niyang mag-comment at mag-uusap uli ‘pag balik nito.

Samantala, ibinalita ni Ruffa na bukod sa Shake, Rattle & Roll XI, gagawa rin sila ng movie nina Aiko Melendez at Carmina Villaroel kasama si Pokwang. Wish ni Ruffa na makasama rin si AiAi delas Alas na nakasama nilang tatlo sa isang pelikula sa Regal noong mga bata pa sila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES