Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, June 17, 2009

Ruffa, may private plane ang bagong BF?

Kahit wala na si Tito Douglas Quijano, umiral pa rin ang pagiging peacemaker ng talent manager/star builder.

Imagine, ilang araw na ring hindi nag-uusap ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama matapos umalis ng kanilang Dasmariñas home ang una dahil ayon kay Tita Anna­belle ay matinding argumento dahil sa isang bagets na manliligaw ni Ruffa na kilala sa pangalang John Lloyd Cruz, ayun at nagkabati, nagyakapan, nagkapatawaran at nagkaayos ang mag-ina sa wake ni Tito Dougs last Monday night.

Naunang dumating si Tita Annabelle kasama ang asawang si Eddie Gutierrez sa The Heritage Park. Diretso sa may front para tingnan si tito Dougs na co-manager ng anak nilang si Richard Gutierrez. Ilang minuto lang ang pagitan, biglang dumating si Ruffa.

Si Tito Ricky Lo ang nagsabi kay Tita Annabelle na: “Si Ruffa oh.” Pero dedma si Tita Annabelle.

So wala munang nangyaring batiin sa mag-ina. Literal na inisnab nang nagagalit na nanay ang aktres.

Ang ginawa ni Tita Annabelle at Eddie, pumunta sila sa reception area kung saan may buffet for the dinner - sponsor ng ABS-CBN ang nasabing gabi kaya nag-cater ang 9501.

Maya-maya ay nasa reception area na rin si Ruffa. Pero nasa magkaibang table sila. Naunang naka-table ni Ruffa sina John Estrada, Bing at Theresa Loyzaga, Nadia Montenegro. Ka-table naman ng mag-asawa si Robbie Tan ng Seiko Films.

Ang tagal nagdedmahan ang mag-ina. Siguro almost an hour.

Pero lumapit si Ruffa sa table namin at nagbiro na agad si Tita Ethel Ramos, bakit ‘di niya pa kausapin ang nanay niya. Nasa table din namin sina Tita Dolor Guevarra, Ms. Shirley Kuan, Tita June Torrejon, Direk Boots Plata and Ian Fariñas.

Tatawa-tawa lang ang aktres nang bulungan siya ni Tita Ethel na batiin na niya. Hanggang kinukulit na rin siya ng mga TV crews.

Magri-retouch daw muna siya bago ang interview.

Finally, nang tumayo na si Ruffa sa table namin, nilapitan ang mommy niya na nasa katabi lang na table. Niyakap niya at bumulong ng “I’m sorry.”

Sumisimangot pa nung una si Tita Annabelle, pero nung medyo ok na, marami nang nakatutok na camera, ngumiti siya ng konti at nakatungo. Nasiya­han sa nakita niya ang Daddy Eddie ni Ruffa na inakbayan pa ang kanyang mag-ina.

Hanggang matapos ang kuhanan ng photo, hindi talaga nag-react si Tita Annabelle. Si Ruffa naman, lumabas na for TV interview.

Mangiyak-ngiyak si Ruffa paglabas ng reception area for TV interview.

“Anong sabi ni Mommy, anong reaction niya,” tanong nito habang hindi pa nagi-start ang interview.

“Dapat naman talaga, ang anak ang maunang bumati. At least na-realize ko na na-miss ko siya at na-miss niya ako,” sabi agad niya.

“I feel relieved. Niyakap ko ang mommy ko. Alam ko malambot na yung puso ni Mommy. Sa umpisa lang ‘yan medyo galit, medyo shocked sa mga balita. Pero alam ko deep inside mahal niya ako. Ang tawag niya nga sa akin ay ‘bruhilda,’” sabi pa niya.

Pero nang tanungin siya kung uuwi na siya sa Dasma house nila, “Hindi siguro. Mas ok na may space kami. Na hindi kami nagkikita ng 24 hours.

“Hindi kasi kami puwedeng magkasama dahil parehong strong ang personality namin. But I’ll cross the bridge when I get there.”

Kailangan na raw niyang mag-ipon para makabili ng sariling house.”

Nang tanungin na ang tungkol kay John Lloyd : “Naku tama na. Yung mga lumalabas, para namang ikakasal na kami bukas. We care for each other as friends. We hanged out, pero hindi kami umabot na nagmamahalan. Tama na ‘yun.

“Sana mag-spark na ang mata ko this year. Ready na ako,” sabi na lang niya.

At ang tungkol naman kay Yilmaz na balitang darating ng bansa : “’Wag na si Yilmaz. Naka-goggle earth siya. Alam niya pag na mention ang name niya. Nakaka-stress na.”

“It took a lot of courage to kiss her and to hug her. Baka mapahiya ako, pero okey naman.”

After ng interview ni Ruffa, hiningan agad ng reaction si Tita Annabelle.

“Nagulat nga ako nang sabay kaming dumating dito (sa wake ni Tito Dougs). Nagpa-late pa kami.

“Mabuti naman at nauna siyang bumati sa akin. Sana makinig na siya sa mga pangaral ko. Di naman sa nakikialam ako sa buhay niya.

“Hindi lahat perfect. Andito lang naman ako para mag-guide,” sabi ng nanay ni Ruffa na nung una ay ayaw magpa-interview.

Si Tito Dougs na nga ang gumawa ng paraan para magkabati ang mag-ina.

Kung nagpa-late sina Tita Annabelle, ang kuwento ni Ruffa, 15 minutes pa siyang nag-stay sa car bago bumaba dahil umulan nun ng malakas.

* * *

Bago ang yakapan nilang mag-ina, naka-tsismis na namin siya. As usual, tungkol pa rin kay John Lloyd with matching paninita pa na : “Uy ano ‘yung sinulat mong drinking session. Wine lang naman. Saka sa Martini Bar, sabihin mo naman.”

Pero as much as possible ayaw na niya itong pag-usapan.

So anong bago?

May reliable source ang nagsabi na may manliligaw si Ruffa na New Yorker at may private plane na dumalaw pa ng Pilipinas kelan lang.

Hindi na nag-deny si Ruffa na nagdi-date sila ng mayamang foreigner. “Paano n’yo nalaman? German ang pilot nun,” parang nagulat na paninita ni Ruffa sa amin ni Tita Ethel.

Pero may isa pa. Meron siyang kasamang nagsimba sa Beijing na nakita ng mga Pinoy doon?

“Pati ‘yun inaway ni Mommy,” pabulong niyang sabi.

“Pero hindi, friend ko na siya since 1997,” she explained tungkol sa pagsimba nilang dalawa sa Beijing.

So malabo nga palang maging sila ni John Lloyd?

Tatawa-tawa lang niyang sagot dahil wala naman daw talaga.

“Long hair ako. Akala n’yo ‘yun lang mga bagets ang maraming manliligaw,” sabay hawak sa kanyang buhok. “I’m free like a bird.”

Actually, kung titingnan mo si Ruffa ngayon, pumayat siya at mukhang bumata.

“Marami akong suitors,” sabay ngiti nito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES