Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 02, 2009

Ryan Agoncillo mas madalas ‘mangalabit’

Buhay may-asawa na talaga ang tinatanong ngayon kay Judy Ann Santos. Kahapon sa presscon ng sitcom nila ng asawang si Ryan Agoncillo na George and Cecil, ang paboritong itanong sa kanila ay siyempre, ang kanilang married life.

Isang paulit-ulit na tanong ng lahat ngayon sa mag-asawa ay kung buntis na ba si Juday. Pero dahil one month pa nga lang silang kasal, siyempre, hindi pa agad ito masasabi.

“Alam nyo, ’yan na nga ang pinagtatawanan namin. Akala namin, tapos na ang mga issue and lahat-lahat. Ngayon, may panibago na namang pressure – baby. Nakakatuwa, nakakaaliw, ’di ba?” sabi ni Juday.

Pero kahit hindi pa naman sure na buntis siya, may mga hinahanap na raw siyang pagkain, pero sabi naman ni Ryan, ganu’n na talaga ever since si Juday, may cravings for food.

Dahil super-blooming si Juday ngayon, may nagbiro na araw at gabi sigurong nadidiligan ang aktres.

Pero say ng mag-asawa, laging nasa gitna nila si Yohan (their adopted child), kaya para-paraan na lang kung paano at kung saang location.

We learned na hindi pa pala nakakalipat sa sariling bahay ang bagong-kasal dahil hindi pa pala kumpleto sa gamit.

Pero minsan daw, tinutulugan din nila. Sa ngayon ay sa bahay pa sila nina Ryan nakatuloy.

Kumusta naman si Juday as a wife?

“Maasikaso. Kasi siyempre, iba naman ’yung maasikasong girlfriend, iba naman ’yung maasikasong misis.

“Ako mismo, halimbawa katulad kagabi, first time niyang nagluto as misis para sa family ko. Kasi, in-invite namin ’yung family ko to our house para mag-dinner.

“May bago siyang putahe, ’yung angrydobo, na lahat ng makatikim, natutuwa. Kasi ’yung angrydobo na ’yun, ’yun ’yung na-perfect niyang adobo na recipe niya nu’ng nag-aaway kami sa America last year.
“Natulog ako ng alas-diyes ng gabi, nang gumising ako ng alas-nueve ng umaga, nagluluto pa.

“So, ’yon, kagabi, makikita mo, everyone was waiting sa niluluto niya. She was basically the madre de familia, ilaw ng tahanan,” kuwento ni Ryan.

And how’s Ryan naman as a husband?

“Si Ryan ngayon, mas maalaga. Walang effort ’yon sa kanya, kasi ganu’n naman siya talaga even sa pamangkin niya, sa parents niya, sa friends niya. Pero ngayon talaga, makikita mo na palagi niya akong sasamahan, mga malilit na bagay na para sa isang babae, malaking bagay.

“Sasamahan niya ako, may bibilhin ako, sasamahan ako, saka lagi naming tsinetsek ang isa’t isa, ’di katulad dati,” say ni Juday.

Sa tanong kung sino ang madalas mangalabit sa kanila, ayon kay Ryan, “sige, aakuin ko na.”

Basta sa ngayon, sa pagkakaroon ng baby naka-focus ang mag-asawa.

Naiinip na nga raw si Mommy Carol at panay ang tanong kung wala pa ba, gayundin ang parents ni Ryan.

Samantala, habang nag-aabang tayo ng baby nila ay may proyekto tayong mapapanood sa kanila, ang sitcom na George and Cecil, na ipalalabas every Sunday sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Kasama rin sa cast sina Tessie Tomas, ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas at marami pang iba.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES