Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, June 17, 2009

Wendy Valdez says NO to Playboy Philippines

Okay na sa napaka-kontrobersyal na PBB finalist na si Wendy Valdez na kakaunti ang nakukuha niyang projects, basta ang mahalaga sa kanya ay hindi siya nawawalan ng trabaho.

“Kapag matatapos na ang kung anumang ginagawa ko ay bigla na lang may dumarating na trabaho, ‘yun nga lang madalas biglaan, ora-orada. Pessimist ako, kahit hindi dapat, nagwo-worry ako agad, so far wala naman pala akong dapat ipag-alala, sabi ko nga hindi naman ako nawawalan ng trabaho,” saad ng sexy star na hindi na masyadong nararamdaman yung mga criticisms ng mga detractors niya.

Malaki ang nawalang timbang kay Wendy. Sadya ito, hindi siya nagkakakain ng kanin dahil tumaba raw siya habang ginagawa ang Betty La Fea. Pero sumobra naman ang payat niya kaya ngayon, nagpapataba siya ng konti.

After her fine performance in Betty La Fea, sasabak naman siya sa isang love story sa Bud Brothers. Dapat sila ni Joem Bascon ang magkapareha pero dahil nagtambal na sila sa Betty La Fea, ipinasya ng ABS-CBN na i-try namang ipareha sila sa iba.

Wala pang nagagawang movie si Wendy. She was offered a role in Des­peradas before pero, hindi siya pinayagan ng ABS-CBN.

Nag-pose na siya sa cover ng isang men’s ma­ga­zine. May offer pa to pose for Playboy Phi­lip­­pines. Hindi niya ti­nang­gap dahil may im­pli­­cation ng pagiging nude.

Masaya ang lovelife niya with Bruce Quebral na nagtatrabaho bilang flight attendant sa United Arab Emirates.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES