Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 02, 2009

Angel Locsin ayaw patawag na ‘teleserye queen’

DAPAT sigurong matuto ang ibang mga big stars kay Angel Locsin kung paano nila gantihan sa maliit na paraang ang movie press na tumutulong sa kanila. Sa thanksgiving presscon na ipinatawag ng ABS-CBN para sa seryeng Only You na humahataw sa ratings, nag-share ng blessings si Angel.

Natuwa ang movie press sa gesture ng dalaga at sana raw, gayahin dito ito ng iba. Sinamantala ni Angel ang pagkakataon na makapiling ang movie press habang wala pa siyang taping ng Only You, pero kahapon, balik-trabaho na ulit siya dahil umuwi na ng bansa ang dalawang leading man niyang sina Diether Ocampo at Sam Milby. Hindi lang kami sure kung nag-taping na rin si Diether who is still sick as of yesterday at wala pang makapagkuwento kung ano talaga ang nangyari sa kanya.

“Teleserye Queen” ang bagong bansag ngayon kay Angel dahil lahat ng ginawa niyang serye noon sa GMA-7 hanggang sa ABS-CBN ay mataas ang rating. Pero ayaw niyang magpatawag ng ganu’n.

“Naku, hindi po ako ’yon. Ang mahalaga sa akin ay nag-i-enjoy ako sa ginagawa ko at mahal ko ang trabaho ko. I’m not after the title o kung ano ’yung itatawag nila sa akin,” super humble niyang pahayag.

Hay naku, iba ka talaga Angel. Wala kang katulad!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:10 PM, Anonymous Anonymous said...

you deserve to have that title as teleserye queen...sana nga makasama mo si Angelina Jolie eh kase you are really good na pang action movie...keep up the good work.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES