Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, July 07, 2009

Angel Locsin, kabado kay Lloydie

Isa sa mga leading men na gustung-gustong ma­ka­sama ni Angel Locsin ay si John Lloyd Cruz. Pero inamin niya na sa galing nitong umarte ay kina­kailangang mag-undergo muna siya ng workshop bago sila magsimula ng trabaho.

“Kahit man lamang kalahati ay mapantayan ko ang husay niya, para hindi rin siya ma-disappoint sa akin,” katwiran ng aktres na tanggap na tanggap ngayon ng mga manonood sa TV bilang isang simpleng kusinera na na-in love sa isang mayaman.

Nang tanungin siya kung bakit parang mas patok siya sa Only You kesa sa Lobo, sinabi niya na sawa na ang mga manonood sa mga ser­yosong panoorin.

“May kinalaman siguro ito sa takbo ng buhay natin ngayon na masyadong maproblema. Gusto nila yung mga light stories lang, yung maaaliw sila. Ma­hi­lig ding kumain ang mga Pinoy, gusto nila yung mga niluluto namin sa show. Yung ta­langkanin nga at lumpianisa, ang dami nang gu­maya at sinasabi nila na nasarapan din sila,” pagmamalaki niya.

Sa ngayon, Only You muna ang pinag­ka­kaabalahan niya pero pagkatapos niya sa Korea­novela ay sasabak naman siya sa pelikula, may nakatakda siyang gawin kasama si Aga Muhlach at Chito Roño.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES