Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 16, 2009

Anne Curtis ninakawan

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng aktres na si Anne Curtis kamakalawa at tinangay ang ilan niyang gamit noong Martes ng madaling-araw.

Sinabi ni Anne sa presscon ng bago niyang endorsement na Green­wich Lasagna na nawala ang isa niyang bag at ibang mga damit.

Natuklasan lang ni Anne kama­kalawa ng umaga ang nakawan nang nagte-taping siya ng kanyang television series.

“Fortunately, walang valuables na nawala kasi naka-lock ang room ko but it’s a bag at mga damit,” sabi pa ng aktres.

Ayon kay Anne, nakapasok ang mga magnanakaw nang puwersahang buksan ng mga ito ang isang bintana ng kanyang bahay. Natutulog ang kanyang mga kasamba­hay nang mangyari ito.

Gayunman, nagpapasa­la­mat si Anne na wa­lang nasak­tan sa insidente.

“Walang nasaktan and I think iyon ang pinaka-grateful ako na ang mga kasama ko sa bahay ay hindi nasaktan. Eve­rything is safe,” sabi pa niya.

Binalewala ni Anne ang is­pe­­kulasyon na inside job ang naganap na panloloob o isa niyang tagahanga ang may kagagawan ng nakawan.

Idinagdag niya na iniimbestigahan na ng se­curity ng subdivision ang pangyayari bagama’t hindi pa siya nagre-report sa pulisya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES