Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, July 01, 2009

Diether Ocampo, gusto nang umuwi

Halos pare-pareho ang text message ni Diether Ocampo sa mga reporter na nangungumusta sa kanya.

Nang tinext ko si Diet nu’ng Lunes ng hapon para kumustahin, kaagad siyang sumagot ng, “Have a heart problem and over working took its toll on me. I passed out and had seizure. Been unconscious for hours.

“I guess God gave me a second chance. So yeah I’m okay and back to life. Thank you my friend. Nice to have a real one like you.”

Ayon sa ilang saksi, bukod sa show nila sa Ontario, California ay hindi na rin natuloy si Diet sa San Francisco.

Gusto na raw nitong lumabas ng hospital para makasali na sa show, pero hindi na raw ito pinayagan dahil kailangan na niyang magpahinga.

May pagdadaanan pa raw itong series of tests para matiyak na okay na siya.
Tinext ko uli si Diet kung kailan na ang balik niya rito. Sumagot siya ng, “I’m hoping to get home soon to see my cardiologist. My manager is fixing my flight because I’m taking my exit flight from LAX (Los Angeles) instead of Sanfo (San Francisco).”

May ilan pa raw sidelights na naganap doon nang isinugod sa hospital sa Diet pero nakiusap ang aming source na huwag munang isulat.
Nagpapasalamat si Diet at ang mga taga-Star Magic sa mga nag-alala at nagdasal para sa kaligtasan ng aktor.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES