Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, July 27, 2009

Diether Ocampo latest news

Malaki talaga ang pagpapahalaga ni Diether Ocampo sa mga hayop at sa mga bata kahit wala pa siyang dinideklarang sariling anak.

Aktibo siya SA PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) at kamakailan lamang ay nagdiwang siya ng kanyang kaarawan kasama ang mahigit isang libong bata ng KIDS (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation bilang pagtulong na rin sa mga kabataan.

Sa loob ng mahigit sampung taon sa show-business, pinatunayan ni Diet na hindi lamang ang kanyang maamong mukha at magandang katawan ang nagdala sa kanya sa kasikatan kundi pati ang kanyang kagalingan sa pag-arte.

Naipamalas na niya ang kanyang talento bilang aktor sa kanyang mga pelikula sa Star Cinema kaya umaasa siya na sana’y magkaroon siya ng panibagong pelikula.

Sa pagyabong ng kanyang karera bilang isang respetadong aktor ng industriya, mas marami pang mga proyekto ang handang ibigay ng ABS-CBN para sa kanya. Ang kanyang kagalingan sa pagganap bilang Jonathan sa Only You ang nagpatunay kung gaano kaepektibong aktor si Diet.

Ang Only You sa kasalukuyan ay bumihag sa puso ng mga manonood sabay sa pagtalakay sa mga itinatagong kagandahan ng mga Pilipino sa loob at labas.

“Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag na­appreciate ng tao yung craft mo. Sarap ng feeling, parang nasa cloud nine lang,” masayang pahayag ni Diet sa kanyang blow out party.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES