Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 25, 2009

Diether Ocampo: May dahilan kaya buhay pa ako

Pagkagaling sa US kung saan ay binabagabag niya ang lahat ng mga kasama niya sa Star Magic concert tour nang magkaroon siya ng seizure habang sila ay nagri-rehearsal para sa isa sa kanilang gagawing palabas, pinuntahan ni Diether Ocampo ang kanyang ex na si Kristine Hermosa.

“Hindi ko minaliit ‘yung mga ginawa niya para sa akin nung kami pa. Nagpasalamat ako sa kanya dahil nagka-trabaho kami at natapos kami ng maayos, magkaibigan pa rin kami sa kabila ng lahat. Also I thanked her for her concern nung magkasakit ako sa US. Sila lamang ng kapatid ko ang pinaka-malapit na tao sa akin na nag-asikaso sa akin dun.

“Ngayon ko lang na-realize na marami akong dapat na ipagpasalamat, gaya ng pangyayaring naka-move on na kami pareho ni Kristine. Tinanggap ko rin ang karotohanan that life is too short. Nun, ang dami kong reklamo sa buhay, but now I’m happy that I’ve been given another chance to live.

“Before, trabaho lang ako nang trabaho. Ni hindi ko naisip ang buhay ko, naka-focus lang ako sa pangyayaring kailangan kong buhayin ang family ko. Ngayon, alam ko nang pahalagahan ang buhay at ang mga taong nakapaligid sa akin. May dahilan kaya buhay pa ako.

“I’ve taken all the tests in the US, I was declared negative from any illnesses pero, pagdating ko rito, nagpa-confine pa ako, nag-seek ng second opinion, ganun din ang resulta. Sabi ng mga doktor baka raw sinagad ko ang sarili ko, dahil mayroon akong athletic heart, bottom line, it probably was the delayed effect of jetlag.

“Ayaw ko ng feeling na nag-aalala ang mga tao sa akin. Sanay ako na ako ang nag-aalala para sa kanila kaya nag-promise ako na magpapa-easy easy muna ako, hindi ko na sasagarin ang sarili ko, aalagaan ko na ito,” mga pagtatapat ng aktor na mahigit ng 10 taon nang nag-aartista at sa panahong ito ay ipinamalas niya na hindi lamang ang kanyang good looks at magandang panganga­tawan ang pasaporte niya sa tagumpay kun­di lalo na ang talento niya sa pag-arte.

Hinangaan siya sa mga pelikula niya sa Star Cinema tulad ng Nasaan Ka Man (2005, kasama sina Claudine Barretto, Jericho Rosales, Hilda Koronel at Gloria Diaz), Jologs (2003, with John Prats and Vhong Navarro) at ang kanyang biggest break nung 1999 kasama sina Maricel Soriano at Claudine Barretto sa Soltera. Ang kanyang mga teleserye ay naging paborito rin ng mga tao at maging ng mga kritiko - Iisa Pa Lamang, Maligno, Lobo, Princess Sarah, Margarita at marami pang iba.

Kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan na ginanap sa isang Pizza Hut house sa E.Rodriguez Ave. ay ang pagpapasalamat niya dahil sa napaka-taas na rating ng Only You na kung saan ay kasama niya sina Angel Locsin at Sam Milby.

“Hindi ko man ka-level ang dalawa dahil mas nauna akong mag-artista sa kanila, nagre-respetuhan kami, naging magkakaibigan. Naging parang magka­ka­patid kami at nagtutulungan sa set,” pag-aamin niya.

Ilang taon nang endorser si Diether ng Pizza Hut kung kaya suportado siya nito maging sa kanyang mga non-showbiz projects tulad ng KIDS (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation at PETA (People for the Ethical Treat­ment for Animals na kung saan ay isa siyang advocate.

“I’m happy dahil nagustuhan ng tao ang character ko sa Only You na Jonathan. When I portray him talagang genuine ang heart ko, and I feel ibinabalik ng mano­nood ang concern ko sa kanila,” pag-amin niya sa kanyang character.

Isang malaking factor sa pagiging maganda ng aura ngayon ni Diet ay ang pagi­­ging happy ng lovelife niya. Feel niya, nakita na niya ang mga hinahanap niyang katangian sa isang babae sa kanyang girlfriend ngayon. Nasabi na niya rito na he’d like to spend the rest of his life with her. “She’s it! And I hope it will turn out well with us,” sabi pa niya of her La Sallite cum laude girlfriend who’s being trained to be a diplomat or an ambassadress.

Wala na talagang mahihiling pa sa buhay niya ang aktor. Kung papayagan pa ng sked niya, nag-iisip din siyang gumawa o mag-produce ng pelikula. At gusto niyang gawin ito soon. May mga kinakausap na siyang mga tao.

“Gusto ko naman ibang level of challenge, makatrabaho ng mga ibang tao naman, willing ako to discover a new world. May gagawin pa ako kaya andito pa ako sa mundo. Ito ang tutuklasin ko,” anang aktor na nung mismong araw ng kanyang kaarawan ay kasama ang pamilya niya na nagdiwang ng kanyang birthday. Pumunta rin siya ng Pampanga para magpakain ng 2,000 bata, for his KIDS Foundation.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES