Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, July 12, 2009

Freddie Aguilar naiinggit kay Charice!

Umaani ng batikos ngayon si Kaka Freddie Aguilar dahil sa sinabi niya sa isang panayam tungkol sa panggagaya diumano nina Charice Pempengco, Arnel Pineda, Gary Valenciano at Regine Velasquez.

Ayon kay Kaka (tawag kay Freddie) nang ma-interview ng mga reporters sa opening ng kanyang Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant sa Adriatico, Malate, pinatunayan lang daw ng mga nasabing singers na totoo ang dating sinabi diumano ni Mariah Carey na ang mga Pilipino ay unggoy. In short, gaya-gaya.

Ang punto ni Ka Freddie, mas maganda raw sana kung ang kinanta ni Charice sa mga guestings nito sa USA shows ay awiting Pinoy at hindi mga kanta ni Celine Dion.

Kay Gary V., in fairness ay pinuri naman niya ang kahusayan ni Mr. Pure Energy pero dahil ginagaya raw nito si Michael Jackson, noon pa ay alam na niyang hindi ito sisikat internationally dahil wala naman daw sumikat na copycat.

Nag-react na si Gary V. sa sinabi ni Kaka. Dinepensahan pa ni Mr. Pure Energy si Charice at say niya, stepping stone lang naman ang ginawa ng young singer and panahon lang ang kailangan nito para mailabas ang originality.

Anyway, dahil sa mga pahayag ni Ka Freddie ay napagbintangan siya tuloy na naiinggit sa kasikatan ng mga kapwa singer.

May reaksyon naman ang nagpasikat ng kangang Anak tungkol dito at nai-forward sa amin ang kanyang text message sa isang katoto.

“’Di ako naiinggit. Masaya nga ako na sumikat sila, eh. Nanghihinayang lang ako ’pag napapanood ko ang mga Latino sa TV (sa Amerika), kumakanta ng Latino. Ang mga Hapon, kinakanta, Hapon. Ang mga Italyano, kinakanta, Italyano, etc.

“Pero ’pag Pilipino na ang singer, ang kinakanta, English. Bakit, ikinahihiya ba natin ang sariling nating musika?

“Bakit? Bakit? Bakit?” ang mahabang text message ni Kaka na aside from being a music icon ay kilala rin sa kanyang pagiging makabayan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 10:58 AM, Anonymous Anonymous said...

ano naman kaya ang masasabi ni freddie tungkol kay lea salonga.

sumikat sa buong mundo si lea pro nde sa awiting sariling atin kundi sa wika ng ibang bansa........hehehehehehe

butata.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES