Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 09, 2009

Gary Valenciano sobrang apektado sa pagpanaw ng King of Pop

LAST Wednesday night ay nagpuyat si Gary Valenciano para lamang mapanood ang live TV broadcast ng memorial service nang pumanaw na The King of Pop na si Michael Jackson.

Habang nanonood si Gary, panay ang test niya ng kanyang sugar blood le-vel.

Mabuti ay habang na-nonood ay low sugar ang dugo niya.

Kasi, buhat nang namatay si Michael Jackson, super naapektuhan si Gary.

Nalungkot siya sa untimely death ng kanyang idolo.

Nang mabalitaang namatay si Michael ay nasa Beijing, China si Gary para sa isang singing engagement.

Nakadagdag daw sa tension kahit papaano ang ba-lita.

Para kay Gary, malaking kawalan sa music sindustry ang kanyang idolo.

* * *

DAHIL naman sa maagap na pagbabantay kay Gary Valenciano ng asawang si Angeli Pangilinan, ilang beses nang nakaligtas si Gary sa near death experiences.

Nangyari ang pinaka-grabe noong 2005 nang mag-show ang ABS-CBN sa Pasadeña, California.

Nagising si Angeli na nagsi-seizure si Gary dahil sa biglang pagtaas blood sugar nito.

Minsan naman ay nagi-ging abnormal ng kilos si Gary dahil sa sobrang baba naman sugar count niya.

Sa nangyari sa Pasadeña, kinailangang tumawag ng 9/11 ang hotel na kanilang tinutuluyan.

Walang malay si Gary at na-revive lang siya ng paramedics.

“Buti at nagising ako. Nakatawag agad ako ng tulong. ‘Yung mga kasama ko ay pinagsasampal si Gary para lang magising. Ako naman panay ang dasal kong huwag munang kunin ng Angel of Death si Gary. Miracle ang nangyari dahil na-revive ang asawa ko. Nakapag-perform pa siya the next day sa show ng ABS-CBN,” kuwento ni Angeli.

May instances namang hinihimatay si Gary sa concert niya.

Kaya ang ginagawa ni Angeli ay pinanonood niya mismo ang performance ng asawa.

Kapag may napansin siyang naiiba sa kilos ni Gary ay agad niyang sina-sabihan ang staff para mabilis na mabigyan ng medication si Gary.

Tanging si Gary ang namamayagpag ngayon bilang active singer at performer sa bansa.

At malaki ang pasalamat ni Gary sa pag-aalaga ng asawang si Angeli.

Sa ngayon ay may naka-lagay nang aparato sa katawan ni Gary, ang insulin pump.

Nalalaman nito agad kung kailangang bigyan ng insulin o hindi ang isang diabe-tic.

Kailangang nagpi-prick pa rin si Gary para malaman ang sugar count.

Ang insulin pump ang kanyang ginagamit kung kinakailangan .

Dahil sa may insulin problem si Gary, nakabuti sa kanya ang bagong food supplement na GluControl.

Si Gary ang endorser nito na mabibili sa mga pangu-nahing drug stores, except sa Mercury Drug.

Ang GluCongrol ay ang una at nag-iisang diabetic care supplement na mayroong Pycnogenol, a clinically-proven formulation that helps manages blood sugar, improve circulation and lower blood pressure.

* * *

MAY nalalapit nang concert sina Gary Valenciano at Martin Nievera sa Mall of Asia concert ground sa September 17.

Super-preparation na ang ginagawa ng dalawa.

Inamin ni Angeli sa press na mas mauuna ang pangalan ni Martin sa billing ng concert na may title na As for One kaysa sa asawang si Gary.

“Siyempre, naman mas mauuna si Martin dahil mas una siyang naging singer sa asawa ko,” depensa ni Ange-li.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES