Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 16, 2009

Jericho Rosales 2 beses nang naisama sa sinehan si Heart

I’m sure hindi makakaapekto sa pagbababalik-telebisyon ng tandem nina Jericho Rosales at Kristine Hermoso ang nababalitang pagka­kamabutihan na naman ng aktor sa kanyang ex-girlfriend na si Heart Evangelista.

After all, may sarili namang lovelife si Kris­tine, palagi silang nakikitang mag­kasama ng publiko ni Oyo Sotto, ang pina­ka-latest ay sa isang bas­ketball game. Tanggap na ng lahat ang kanilang relasyon.

May nakakita rin kay Jericho, nang manood ito ng sine na kasama si Heart. Hindi niya ito itinanggi when confronted.

“Actually twice na kaming nanood ng sine, kamakailan lamang. Madalas naman kaming magkita sa church. Minsan binigyan kami ng Diyos ng pagkakataon, inimbita ko siya at dahil wala namang masasaktan sa aming paglabas, sumama siya.

‘’Nag-usap lang kami, may mga bagay kaming naiwan sa aming nakaraang relasyon. Ngayon pinipilit naming kahit maging magkaibigan man lamang. We’re working on our having peace and healing,” anang aktor na katulad ni Heart ay maganda ang takbo ng career.

Bukod sa kanyang dumaraming product endorsement, katatapos lang niya ng kanyang matagumpay na konsyerto na nakita ang kanyang musical talent na mas nauna pang hinangaan sa labas ng bansa.

Ibinabalik ng ABS-CBN ang tandem nila ni Kristine sa star-studded series na Dahil May Isang Ikaw kasama sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, Karylle, Chinchin Gutierrez, at Sid Lucero.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES