Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, July 05, 2009

Judy Ann Santos pabagsak ang career dahil kay Ryan Agoncillo

NGAYON malalaman natin kung gaano pa nga katindi ang popularidad ni Judy Ann Santos pagkatapos niyang mag-asawa.

May ilalabas kasi siyang pelikula, na ang di-rektor pa ay iyong gumawa ng pelikula niyang rated number 62 sa Oscars, out of 250 na naglaban. Hindi nga ba ipinanghingi pa nila ng financial support ang pelikulang iyon para makapagkampanya sila nang husto sa Hollywood?

Anyway, ngayon ay makikita natin kung gaano pa katindi si Juday sa kanyang mga tagahanga. Nagkakaroon kami ng duda dahil, kahit na sina-sabi nilang maganda naman ang ratings noong programa nila ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo sa ABS-CBN, hindi namin masyadong nari-rinig na pinag-uusapan iyon ng mga tao.

Kasi kami, ang basehan namin ay hindi iyong sinasabi nilang ratings kundi kung ano ang na-ririnig naming pinag-uusapan ng mga tao sa aming palipaligid.

Pero, mukhang hindi napag-uusapan ang kanyang weekly sitcom. Mahina rin naman kasi ang batak ng kanyang asa-wang si Ryan Agoncillo sa TV viewers, eh.

Ngayon, tingnan natin, dahil hindi ba marami naman silang mga ar-tistang pinakiusapang lumabas sa pelikula nila kahit na cameo roles lang?

Baka naman makatulong ang mga iyon sa pelikula ni Juday.

Baka sakaling dahil sa mga artistang nag-ca-meo role doon ay mano-od din ang maraming fans nila at maiangat ang pelikula ni Juday.

Pero kung hindi, kaila-ngan na sigurong magpalit ng diskarte sa kanyang career si Juday. Dapat din sigurong magpalit na siya ng direktor.

Hindi ba’t sinasabi ring kulelat sa takilya iyong kanyang Ploning?

Eh, sa ngayon, ang kailangan niyang patunayan ay kung kaya pa niyang magdala ng projects, dahil kung hindi sino pa nga ba ang kukuha sa kanya?

Matagal na siyang walang TV series. Bayad siya roon dahil may guaranteed income siya, thanks to the wise moves of her manager Alfie Lorenzo.

Pero hanggang kailan siya tatagal kung wala na siyang maipapakitang appeal sa kanyang mga tagahanga dahil nag-asawa na nga siya?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 10:08 PM, Anonymous Anonymous said...

hndi basta basta magiging laos ang isang artista pag talagang MAGALING siya sa propesyun niyang pag arte like JUDY ANN SANTOS... matatalino n mga manonod ngayon ..alangan naman maging dalaga 4 ever c juday? o di kaya mag aasawa sa taong gs2 ng mga fans na hndi naman sya masaya?

naku tigilan niyo na si juday kasi alam kong maging kagaya siya kina Maricel S.,Sharon C.,Vilma S. etc na hanggang sa pagtanda niya bida parin sya...

ilove you juday at ryan!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES