Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, July 26, 2009

Judy Ann Santos sa ASAP

Kasabay ng pag-arangkada ng rating ng Only You, ipagdiriwang din ni Diether Ocampo ang kan­yang kaarawan kasama si Angel Locsin bilang kan­yang special guest.

Makikisaya rin sina Jed Madela, Mark Bautista, Erik Santos at Christian Bautista habang hina­harana ang Teleserye Queen ng kanyang panahon na si Claudine Barretto sa kanyang birthday.

Ang nagbabagang love triangle nina Gerald An­derson, Kim Chiu at Jake Cuenca ay hindi pala­lampasin ang kasiyahan kasama ang napaba­bali­tang sweethearts na sina Mega Daughter KC Con­cepcion at Piolo Pascual.

Upang ipagpatuloy ang umuusok na pagdiriwang, handog ng Kanto Boyz na sina Billy Crawford, Vhong Navarro, John Lloyd Cruz at Luis Manzano ang mga awitin na nagpasikat kay Vilma Santos kasabay ng patikim sa kanyang t.v. special na Vilma: a Woman for All Seasons.

Tatapak sa ASAP stage ang nag-iisang Judy Ann Santos-Agoncillo na magbibigay saya sa pamamagitan ng isang awitin para sa nalalapit niyang pelikula.

Ang 2009 Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World at Junior Grand Champion Performer of the World ng prestihiyosong World Cham­pionships of Performing Arts (WCOPA) na si Rhap Salazar ay makikisaya rin.

Para sa mas maiinit na Sunday afternoon performances, tumutok lamang sa ASAP’09 pagkatapos ng Matanglawin sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES