Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 25, 2009

Maricel Soriano Kapuso ang bagong manager

Yes, Maricel Soriano has a new manager in the person of Malou Choa-Fagar, Eat Bulaga’s executive producer and top executive of APT Entertainment, na siyang nag-produce ng six films sa Sine Direk seies ng magagaling na directors ng DGPI.

Kung hindi kami nag-kakamali, nasa limang taon din ang pinagsamahan nina Maricel and former manager niyang si Wyngard Tracy.

Siyempre, dahil in sorrow nga that night si Marya, hindi na namin ito inistorbo for an interview para tanu-ngin ang reason ng paghihiwalay ng landas nila ng da-ting manager.

Nang tanu-ngin naman na-min si Tita Malou, sabi niya ay Tuesday of last week nga lang naganap ang turn-over ng management ni Marya from Tito Wyngard.

Matagal nang good friend ni Marya si Tita Malou, kesehodang Kapuso ang huli at Kapamilya ang una, kaya walang dahilan para hindi tanggapin ni Tita Malou ang pagmamanage kay Marya.

Ayon kay Tita Malou, na-endorse nang maa-yos ang lahat at inilatag ni Tito Wyngard sa kanya ang existing contracts ng aktres, lalo na ang TV commercials.

That night, ibinalita ni Tita Ma-lou na tumawag na nga sa kanya si Malou Santos for a Star Cinema project.

May offer daw for Marya at mukhang ito nga ‘yong comedy film with Ai Ai delas Alas, na unang nasulat na siyang magi-ging MMFF entry ng Star Cinema bilang kapalit ng Kris Aquino film (who begged off to shoot to spend time with her mom Cory Aquino).

Pero ang latest, ayon sa nasulat na interview kay Ai Ai, hindi na raw muna magagawa ni Marya ang film nila dahil marahil sa pagpanaw ng kanyang ina at nasa sorrowful stage pa ang aktres. Instead, isang Angelica Panganiban ang MMFF entry ng Star Cinema kasama si Derek Ramsay at Gabby Concepcion.

Samantalang may Ai-Ai movie pa rin ang Star Cinema, with ex-president Joseph Estrada, at ka-join din si Mommy Dionisia Pacquiao na nagsabing: “Sa GMA na lang si Manny, sa ABS-CBN naman ako!”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

3 Comments:

At 1:32 AM, Anonymous Anonymous said...

sna si angel n lang ang isali s mmf pra magkatapat sila ng palengkera ...d ba mas bongga un bigyan lang ng mgandang project si angel bka manalo sya ng best actress award...abs listen si angel n lang s december...

 
At 10:51 PM, Anonymous Anonymous said...

abs cbn management... sana po hindi matuloy ang paglipat ni ms.maricel sa gma... huhuh/u.. madaming malulungkot. sana po magawan ng paraan :_(

 
At 2:08 PM, Anonymous Anonymous said...

ABS CBN BOYCOTT NA MGA TAGA PALAWAN SA INYO.. BINABALEWA NYO MGA MAGAGALING NA ARTISTA NYO... WAG NYO NA HINTAYIN NA DUMATING PANAHON NAUBOS NA MAGAGALING.. NAKAKASAWA NA MGA MUKHA NILA KRIS AQUINO SA TV... ASAN NG ANG LINYA NYO KAPAMILYA... AYAW NA NAMIN SA INYO...

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES