Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 09, 2009

Outstanding Manilans: Gabby at Gina Lopez ng ABS-CBN

Pinarangalan bilang Outstanding Manilans sina ABS-CBN chairman at CEO Eugenio “Gabby” Lopez III at ang nakababatang kapatid nitong si Regina “Gina” Paz Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI), sa isang sere­monyang ginanap dahil sa kanilang masigasig na pamumuno at serbisyo-publiko bilang lider ng ABS-CBN, ang pinakamalaking korporasyon sa media ng bansa.

Ginawaran naman si Ms. Lopez para sa kaniyang kontribusyon sa pangangalaga sa kalikasan kabilang na ang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig, ang pitong taong programa ng AFI para linisin ang Ilog Pasig na dumadaloy din sa ilang parte ng Maynila.

Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbibigay-pugay sa magkapatid na Lopez kasama ng ilan pang awardees sa iba’t ibang larangan.

Ang parangal sa magkapatid ay nagpapatunay lamang sa dedikasyon ng ABS-CBN na maglingkod sa sambayanang Pilipino bukod sa paghahatid ng magagandang programa at mahusay na pagbabalita sa mga manonood.

Iginagawad ang Outstanding Manilans kada taon upang parangalan ang mga taong nakapag-ambag sa kagalingan ng lungsod ng Maynila at nagsisilbing inspirasyon sa mga tao rito. Parte ito ng pagdiriwang ng ika-438 na anibersaryo ng siyudad, simula nang na­diskubre ito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1571.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES