Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, July 07, 2009

Paparazzi, sinisi ni Ruffa Gutierrez

LAST Sunday sa The Buzz, kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na sila nga ni John Lloyd Cruz ang nasa dalawang larawang lumabas na nakunan habang nasa USA sila.

Parehong ipinaliwanag ni Ruffa ang bawat larawan. ’Yung isa na pareho silang nakatalikod ni Lloydie habang papasok sa SLS Hotel ay dahil sinasamahan daw niya ang young actor.

“First time niya (JLC) na makapunta sa LA ( Los Angeles ) na nagbabakasyon, sinamahan ko siya riyan sa hotel, kasi right now, SLS Hotel is the hottest place. So, sabi ko sa kanya, d’yan na lang siya mag-stay. I have naman my own place in Beverly Hills. So, hinatid ko lang siya,” ani Ruffa.

Sinisi pa ng aktres-TV host ang paparazzi na kumuha ng larawan dahil sana raw ay sinundan sila hanggang sa loob ng hotel para makunan na kumain lang sila sa isang restaurant doon.

Ang pangalawang larawan naman, kung saan ay nakunan silang naglalakad sa shopping center and this time, nakaharap na sila sa camera.

“Yeah, nagsa-shopping naman kami. Diyos ko, napaka-wholesome naman ng litratong ’yan. Wala namang implicating diyan. Kami rin po ang nasa litratong ito,” sabi ni Ruffa.

Diretsahan nang tinanong ni Boy Abunda si Ruffa kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Lloydie at heto ang sagot ng dating beauty queen: “Kaya lang lumaki nang lumaki ito sa mga excited, eh. Actually, ang totoo po, we are not a couple. We enjoy each other’s company. We go out. We text. Pero hindi po kami magkasintahan, okay?

“So, relax lang kayo. Sana naman, you know, like I said, wala naman pong masama whether I enjoy time, whether with a female or with a male friend. Mabait naman si John Lloyd, ’di ba? Okay lang naman siguro na maging kaibigan ko siya, na makilala ko siya.”

May official statement din from Johnny Manahan of Star Magic na inilabas ang The Buzz at ganito ang nakasaad: “Lloyd has been a passionate, dedicated and hardworking actor since the age of 14. He has earned the respect and admiration of his peers and his co-workers through the years and he deserves to have some fun and to enjoy life.

“There is nothing wrong with enjoying the day in the company of a fine young lady like Ruffa, who took the time to show Lloydie around Beverly where she has a house.

“For all of Lloydie’s many concerned fans and supporters, I assure you, Lloydie is a good, responsible, young adult deserving of your respect and admiration.

“I’m sure you’d find it in your hearts to allow him to celebrate his own birthday in his own simple and quiet way. Nagpapasalamat po ako sa inyong pang-unawa. Salamat sa inyong pagmamahal at patuloy n’yong pagsuporta kay John Lloyd.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 8:19 PM, Anonymous Anonymous said...

Ruffa shape up..........you are just like a mother to John Lloyd........you are too old for him...you want to nurse him? find yourself your own man....leave JL to Liz Uy......you're a man grabber.......you want to marry him? this will be your third man....are you are turning to be the Liz Taylor of the Philippines? Remember, you have girls...do you want them to turn out to be like you? How can you discipline your kids if you can not discipline your own self?

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES