Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 18, 2009

Ruffa Gutierrez na-imbiyerna kay RR Enriquez

Nasa hot seat na naman si RR Enriquez at tila may isyu na naman siyang dapat sagutin.

Ito ay kaugnay sa balitang hindi raw type ni Ruffa Gutierrez ang umano’y pag-spoof niya sa TV host/ beauty queen sa comedy show nilang Banana Split.

Actually, hindi namin napanood ang episode na ito sa The Buzz kung saan nagbigay umano ng paha-yag si Ruffita tungkol sa panggagaya ni RR sa kanya.

Sa Banana Split, halos lahat ay tungkol sa spoof.

In fact, nagaya na rin ni RR si Katrina Halili at iba pa.

Hindi rin aware si RR tungkol sa umano’y komento ni Ruffa pero nagbigay na rin siya ng paliwanag nu’ng dalawin namin siya sa studio ng Wowowee.

“I don’t want to comment kasi hindi ko pa naman naririnig ang tungkol sa bagay na ‘yan. Hindi ko kasi napanood ang reaction niya about it. Pero kung hindi niya feel ang panggagaya ko sa kanya, ‘yun naman kasi kumbaga, eh, utos lang ng direktor saka trabaho lang. Hindi talaga ako magaling sa pangga-gaya,” depensa ng co-host ni Willie Revillame.

Dagdag pa ni RR, nahihirapan siyang gayahin si Ruffa dahil sosyal at slang daw magsalita ang beauty queen/ TV host.

Aniya, sa puntong ito, wala siyang magagawa dahil utos ito ng direktor sa kanya.

Biruan pa namin, baka wala rin siyang diamonds na kasing dami nu’ng kay Ruffa?

“Hindi ko kasi napanood, eh. Kung hindi man niya sinasabi ang salitang kalokah, eh, utos naman kasi ‘yun ng di-rektor, eh. ‘Yun nga, dahil inutos lang ng direktor at nasa script, kailangan ‘yun ang sundin ko,” dagdag pa ni RR.

Dahil sa intri-gang ito, tinanong namin si RR pa-ano kung sabihin sa kanya ni Ruffa nang harapan na hindi niya gusto ang panggaya nito?

“ Siguro kung magka-ganooon man, eh, sina Direk na lang ang dapat pagsabihan tungkol di-yan,” say pa niya.

Giit ni RR, hindi lang naman daw si Ruffa ang ginaya niya.

Sa Banana Split kasi, inaabangan talaga ang spoof segment nila.

Ito kasi ang nagpapataas sa rating ng show nila.

Muli ay sinabi ni RR, hindi niya napanood ang komento ni Ruffa kung kaya hanggang dito lang ang kanyang masasabi.

Kunsabay, mahirap nga talaga magsalita pa, baka iba rin ang maging interpretas-yon ng ilan.

Bakit kaya hindi na lang praktisin ni RR ang panggagaya kay Ruffa, baka sakaling ma-perfect pa niya ang larangang ito.

Practice makes perfect, ‘di ba?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES