Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, July 07, 2009

Ruffa Gutierrez nagbantang magpakamatay!

Walang nagawa si Ruffa Gutierrez sa pam­bubuking ng Mommy Annabelle Rama niya sa kanila ni John Lloyd Cruz sa Ruffa & Ai kahapon sa 100th episode ng programa nila ni AiAi delas Alas.

Kahit nauna nang nag-deny si Ruffa sa The Buzz the other night na wala silang relasyon at magkaibigan lang talaga sila ni John Lloyd kahit nakita silang magkasama sa Amerika at nakunan pa ng two pictures, kahapon ay stressed si Ruffa dahil on air sinabi ni Tita Annabelle na bilib siya kay John Lloyd sa lakas ng loob nitong manligaw sa kanyang anak. Makulit pa raw ito kaya tinanggap na lang niya.

“Napakatapang mong ligawan si Ruffa kaya ako bilib sa iyo. Maski ayoko sa iyo, ang kulit mo kay Ruffa,” sabi ni Tita Annabelle.

Wala na rin siyang magawa dahil nakikita niyang nag-i-spark ang mga mata ni Ruffa at si John Lloyd na rin.

Sinabi pa ni Tita Annabelle na wala siyang pakialam nang sabihin ni Ruffa na baka magalit ang mga fans ng actor at ng mga ka-loveteam nito, partikular na si Bea Alonzo.

Pero wa care ang madir! Ibinuking niya na sana ay hambambuhay may ipakain si John Lloyd kay Ruffa na ikinaloka ni Ruffa dahil hindi niya talaga napigilang magdaldal ang kanyang nanay.

Nakita na rin ni Tita Annabelle na talagang gusto ng aktor ang anak niya nang mag-dinner ito sa bahay nila na ang dami niya sanang itatanong bago pa ang nasabing dinner pero, isa lang ang tanong niya nang magkaharap na sila.

Sabi niya, “Bakit hindi ka manligaw sa mga ibang artista diyan na magaganda rin naman? Tumawa lang siya. Ibig sabihin, gusto niya talaga si Ruffa. Sana huwag mong lokohin si Ruffa. Gusto mo talaga siya, okay lang.”

At dahil kumbinsido na si Tita Annabelle kay John Lloyd, sinabi niyang bahala na si Ruffa sa buhay niya.

“Nagsawa na ako sa kaka-advise sa iyo. Pati mga apo ko nagagalit na rin sa akin. Kung ano man ang pinili mong landas, konting ingat lang para ’di ka madapa,” sabi ni Bisaya.

At pakiramdam din ng ina, hindi na-appreciate ni Ruffa ang pagmamahal niya.

Kaya naman tumayo pa si Ruffa para yakapin ang kanyang mommy at magpasalamat sa pag­mamahal.

Pero hindi doon natapos ang bukingan portion.

Ultimo ang ginawang paglalayas ni Ruffa nang mag-away sila, sinabi niya (Annabelle), at ang the height, ang pagbabanta ni Ruffa nang pagpapakamatay.

“Hindi ko masabi dahil in English ’pag sinasabi niya sa akin. Pero sinasabi niya na wala namang nagmamahal sa kanya. Si Yilmaz (Bektas) daw ganun na, tapos ako, lagi ko siyang pinagagalitan kaya magpapakamatay na lang daw siya.

“Sabi ko sa kanya, eh ’di magpakamatay siya!”

Sagot ni Ruffa: “Ma, noon pa yun.”

“Hindi, yung lang last na naglayas ka lang,” ani Tita Annabelle.

At kaya raw nanahimik at surrender na si Bisaya ay dahil sa dalawang apo niya na sina Venice at Lorin na kinakausap siya na ’wag nang mag-guest sa mga talk shows dahil gabi-gabing umiiyak ang mommy nila (Ruffa).

Kung puwede lang sigurong matunaw si Ruffa sa Ruffa & Ai kahapon, natunaw na siya ng buo.

Nag-away kaya sila after that?

Hmmm.

Pero nakakaaliw ang nasabing episode na parang kailan lang nang mag-umpisa ang Ruffa & Ai, pero more than three months na pala sila ngayon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 9:16 AM, Anonymous Anonymous said...

nde tlga mapigil ni bisaya ung libog ni ruffa.

tagal na nga naman kce nde nabubuntingting?.......hehehehehehehe

 
At 5:15 AM, Anonymous Anonymous said...

wala talagang pinipili si bisaya ke pamilya o hindi man ang masagasaan basta siya ang lalabas na bida at mabigyan siya ng publisidad. talagang pampunas ng puwit si analbelle.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES