Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, July 15, 2009

Ryan Agoncillo mahirap nang talunin sa TV hosting

Plus factor ng programang Talentadong Pinoy na napapanood sa TV5 every Sunday evening ay ang host nitong si Ryan Agoncillo. It was also TV5 who gave Ryan the chance to host the very first Philippine Idol.

Hindi man nasundan ang unang episode ng popular na palabas sa TV sa US, nakilala na ang kahusayan sa paghu-host ng aktor na hindi ko malaman kung bakit sa pag-arte ay nabibigyan ng project ng kanyang home network, ang ABS-CBN, at maging ng GMA 7 na kung saan siya ay napapanood din, gayong mas magaling siyang host.

Yes wala yatang bahay ang hindi naka-on sa Talentadong Pinoy tuwing Linggo ng gabi dahil sa kakaibang talento na ipinakikita ng maraming Pinoy gayong may mga katulad din na programa sa ibang network na pwede nilang salihan. Baka mas malalaki pa ang premyong mapapanalunan.

Ang maganda kay Ryan, hindi niya kailangan ng co-host. Kaya niyang magdala ng isang show na mag-isa. Feeling ko pa nga mas makakabawas pa ng kanyang effectivity sa show kung may kasama siya. Pero pwede siyang magkaroon ng co-host, he’s one personality na pwedeng mag-blend sa sinumang kanyang makasama. Isa pa rin ito sa kanyang talento. Hindi siya maramot, marunong siyang mag-adjust.

Kung mari-realize lamang ng kanyang network ang pambihirang talento ni Ryan o kaya ay kunin siya ng ibang network para maging host, I’m sure Ryan will become Philippine TV’s “The Host.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES