Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 16, 2009

Sandara Park sings "In Or Out" in Korea

Sa talk show na Yu Hui Yeol's Sketchbook sa Korea, nagperform para sa kanilang fans si Sandara Park at ang kanyang mga kasamahan sa 2NE1, isang sumisikat na Korean all-female singing group. Kinanta rin dito ng binansagang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas ang kanyang former hit novelty song na “In Or Out.” Sa nasabing presentation, nagpakitang gilas ang apat na miyembro ng grupo na kinabibilangan din nina CL, Minzy at Bom. Nang pagkakataon na ni Sandara na kumanta ng solo, ang chorus ng “In Or Out” ang kinanta niya at kinagiliwan ng fans. Hindi man maintindihan ng mga Koreano ang salitang Filipino na kinanta ni Sandara, sumaliw sila sa palakpak dahil sa magandang beat ng kanta na for a time ay naging paborito rin dito sa bansa.

Ang nakakaaliw kasi dito, bukod sa nagiging pinakabago at pinakamainit na grupo ngayon sa Korea ang 2NE1, hindi pa rin nakakalimutan ni Sandara ang Pilipinas. Ayon pa sa isang kaibigan ni Sandara sa ABS-CBN.Com, bago naganap ang nasabing fans presentation ng 2NE1 ay nakipag-ugnayan si Sandara sa kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN upang humingi ng minus one ng “In Or Out” at matagumpay namang nakuha ito courtesy of Star Records, ang kanyang former recording label.

Samantala, muntik na palang hindi makasama si Sandy sa 2NE1, ayon sa president ng managing company niya na YG Entertainment na si Yang Hyun Seok. Ayon sa YG president sa ginawang documentary film sa 2NE1, kahit na may hilig at dedikasyon sa pagkanta si Sandara ay hindi naman daw ito ganoon ka-exceptional. Subalit namukod tangi naman siya habang tine-train sila dahil siya ang pinakamatapang sa lahat dahil kinaya niya ang mahirap na training, ipinakitang isa siyang kaibigang maasahan at masipag sa trabaho.

Dagdag pa ng producer ng first album ng 2NE1 na si Teddy, kahit na mahiyain si Sandara, kapag humaharap na siya sa tao pagdating sa promotion, nagiging bibo ito, isang pagpapakita na siya’y isang propesyunal.

Ini-launch na ang unang album ng 2NE1 last July 8 at busy si Sandara at ang kanyang grupo sa pagpro-promote ng kanilang pangalawang single na “I Don’t Care.”


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES