Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, July 29, 2009

Santino 'nakikialam' sa matatanda

Patuloy sa pagtatagumpay ang May Bukas Pa na nagtatampok sa isang batang artista na tinatawag na bagong Niño Muhlach. For months now, simula nang umere ang serye ay parang ang lahat ng manonood sa TV ay gustong makita si Zaijian Jaranilla na mas tinatawag ngayon sa pangalan ng character niya sa serye na Santino. Marami ang naniniwalang tunay nga siyang kaibigan ni Bro at nakapagpapagaling siya ng mga may sakit at nakakatulong sa maraming problema kasama na ang emosyonal sa tulong Niya.

Pakiusap ko lang sa mga sumusulat ng mga istorya na itinatampok sa serye - ilagay si Santino sa dapat niyang kalagyan. Huwag siyang masyadong nakikialam sa usapan ng mga matatanda, at maging ng mga pari, lalo na sa mga bagay na dapat ay hindi pa naiintindihan ng mga bata. Sa bagay na ito kasi ay nawawala ‘yung kaugaliang Pilipino na kinalakhan ng marami sa atin, na hindi dapat sumasabat o nakikialam ang bata sa usapan ng matatanda.

Lumilihis ito sa kagandahang asal na lagi nating itinatatak sa isipan ng mga bata. A little older child, perhaps, can give his two cents worth, sa ilang problema sa buhay pero hindi ang isang batang nasa edad ni Santino.

As a whole, inspiring ang mga istorya ng May Bukas Pa na ang theme song ay mas gumanda pa sa bagong bersyon ni Erik Santos.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 11:12 PM, Anonymous Anonymous said...

hindi nakikialam si santino sa usapang matatanda, okay lang yon isali ang bata sa usapang matatanda as long na may paggalang pa rin. iba na ang generation ngayon, let's give the kid freedom to express himself. panahon pa ng kastila yon na hindi puedeng ang bata ay sumama sa usapan ng matatanda at tinatakot at sinusupil masyado ang mga bata even the old people to get involved in their conversation.okay lang yon writer ng MBP for writing such script. GO SANTINO you're okay w/ your lines

 
At 5:12 PM, Anonymous Anonymous said...

korek ka po jan... and ung 'pangingialam naman ni santino, eh, tama naman at nakakatulong. Parang sa soap nga,eh, si santino pa ang mas may alam sa ibang matatanda.. ahhahahah...

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES