Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, July 20, 2009

Sarah Geronimo gusto nang magka boyfriend

Solo endorser si Sarah Geronimo ng Unica Hija, kaya siya ang nag-cut ng ribbon sa 15th outlet ng clothing line sa SM Fairview noong Sabado ng hapon. Kahit late, hinintay pa rin siya ng kanyang fans na tuwang-tuwang makita siya.

Hindi na mabilang ni Sarah kung ilan ang endorse­ment niya at thankful siya kina Leo at Ana Lagon na siya ang napiling endorser ng Unica Hija na three years niyang tutulungang ibenta sa consumers.

Tuwang-tuwa pala si Sarah sa five days vacation niya na nataon sa birthday niya sa July 25 at gusto niyang mag-out of town. Cute ang sinabi nitong gusto na niyang magka-boyfriend, pero feeling niya, hindi pa siya ready na makipagrelasyon.

Itinanggi pala ni Sarah na nagparamdam sa kanya si John Lloyd Cruz at kaya lang sila nagka-ilangan sa ASAP two Sundays ago dahil matagal silang ‘di nagkita.

Ano naman ang comment niya sa nabalitang relasyon nina John Lloyd at Ruffa Gutierrez at ang pagkaka-link ng actor kay Cristine Reyes?

“Wala akong mako-comment ‘dun. Sabi ko nga, malalaki na sila, responsible na sila sa action nila. Wala rin akong masasabi sa kanila ni Cristine, ganu’n pa rin ang sagot ko. Malalaki na sila at alam na ang kanilang ginagawa. Wala akong karapatang magselos sa mga nali-link kay John Lloyd dahil ‘di naman niya ako ex-girlfriend,” pahayag ni Sarah.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES